• April 14, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Wala nang “for later release” o FLR sa 2023 National Budget

INIHAYAG ni House Speaker Martin Romualdez, na mismong si Budget Secretary Amenah Pangandaman ang nagsabi na wala ng FLRs sa susunod na taon.

 

 

Kasunod ito ng pag-ratipika ng Kamara sa panukalamg pambansang pondo para sa susunod na taon.

 

 

Matatandaan na marami sa mga mambabatas ang kumuwestiyon sa FLR na ipinatupad sa ilalim ng 2021 at 2022 budget.

 

 

Sa kabila kasi ng inaprubahang budget ay naiipit ang pondo para sana sa mahahalagang programa, dahil kinakailangan pa ng approval ng presidente para sa paglalabas ng pondo.

 

 

Ipinatupad ito ng nakaraamg dalawang budget cycle upang tiyakin ang tamang budget programming at management lalo na at nahaharap sa pandemya ang Pilipinas. (Ara Romero)

Other News
  • OPS, nakiisa sa tree planting sa Ipo Watershed sa Bulacan

    NAKIISA at nagpartisipa ang mga tauhan ng Office of the Press Secretary (OPS) sa  taunang tree-planting program na inorganisa ng  water concessionaire na Maynilad Water Services Inc. (Maynilad).     Sa  Facebook post, ibinahagi ng OPS ang ilang larawan na kuha sa tree-planting activity noong Oktubre  28 sa Ipo Watershed sa Norzagaray, Bulacan.     […]

  • Garapal na online sellers ng face mask, alcohol tutugisin ng DTI

    TINIYAK ng Department of Trade and Industry (DTI) na hahabulin nila ang mga garapal at hindi lehitimong online sellers na nagbebenta ng face mask, alcohol, sanitizers at iba pa sa gitna ng coronavirus disease (COVID-19).   Sa Laging Handa press briefing sa New Executive Building (NEB), Malakanyang ay sinabi DTI Secretary Ramon Lopez na hindi […]

  • Opisyal ng PSC Chairman si Dickie Bachmann

    PATULOY na susulong ang pamunuan ng Philippine Sports Commission (PSC) sa ilalim ng bagong hinirang na chairman na si Richard Bachmann.     Sa simpleng turnover ceremony na ginanap sa Rizal Memorial Sports Complex sa Maynila kahapon, pormal nang ipinasa ni dating PSC chief Jose Emmanuel “Noli” Eala ang PSC chairmanship kay Bachmann, dahil ganap […]