Wala nang mahihiling pa dahil ‘#blessed’ na: ‘Gift of Life’, pinaka-best birthday gift na natanggap ni MAINE
- Published on March 8, 2022
- by @peoplesbalita
MAY nakarating nga sa aming balita na anytime, may balak na raw mag-propose si Arjo Atayde.
Pero dahil wala pang lumalabas kung naganap na ba ito o hindi pa, baka naman nga humahanap pa ng tamang timing ang actor.
Kaya nang matanong si Maine Mendoza kung ano ang best gift na natanggap niya sa 27th birthday niya, “gift of life” raw ang pinaka-best gift na natanggap niya.
Bukod siyempre rito, ang katotohanan na ang dami na niyang na-achieve na ni hindi raw niya pinangarap pero, naipagkaloob sa kanya at nagagawa niya ngayon.
Sabi pa ni Maine, wala na raw siyang gustong hilingan pa. “hashtag blessed” lang po.
Nakausap ng entertainment press si Maine sa online mediacon ng ika-isang taong anibersaryo ng Buko Channel kunsaan, ang show ni Maine ay ang Maine Goals, a travel and lifestyle show.
Kaya kung meron man daw siyang gusto pang magawa sa show, ‘yung makapag-shoot sila outside the country rin.
***
MAY malungkot na balita ang Kapuso actor na si Ruru Madrid.
Na-aksidente pala ito sa taping ng pinagbibidahang serye, ang Lolong. Kaya mas lalo pang maaantala na matapos ang taping nila kahit na matagal na rin itong ginagawa.
Sabi ni Ruru sa kanyang Instagram post, “I had a minor accident a couple of days ago while taping for our upcoming show. As per the doctor’s advise, this hairline fracture requires a cast and 2-4 weeks rest.
“It’s unfortunate that we are packing up for now and resuming in about a month… Sad news… but as a person who always tries to see the good in unfortunate situations, I guess I just need to remind myself that everything happens for a reason.”
(ROSE GARCIA)
-
4 bodega sa rice smuggling, hoarding pinangalanan ni Marcos
PINANGALANAN na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang apat na bodega na kinasuhan ng Bureau of Customs (BOC) dahil sa hinihinalang sangkot sa hoarding at smuggling ng bigas. Tinukoy ng Pangulo ang San Pedro warehouse; Blue Sakura Agri Grain Corporation; FS Ostia Rice Mill at Gold Rice Mill matapos na mamahagi ng smuggled […]
-
Laban ni Casimero kay Akaho kasado na sa Dec. 3
ISASAGAWA na sa Disyembre 3 ang paghaharap ni dating three- division champion John Riel Casimero at Japanese veteran boxer Ryo Akaho. Ayon sa promoter ng dalawang boksingero, gagawin ito sa Paradise City sa Incheon South Korea. Huling lumaban si Casimero noong Agosto 2021 ng talunin niya si Guillermo Rigondeaux sa pamamagitan […]
-
21-yr-old Harnaaz Sandhu ng India, bagong Miss Universe
Tinanghal bilang bagong Miss Universe ang pambato ng India sa katatapos na 70th coronation sa Eilat, Israel. Si Harnaaz Sandhu ay 21-years-old pa lamang na kasalukuyang nag-aaral ng master’s degree in public administration. Sumalang sa dalawang question and answer portion si Sandhu- una ay para sa Final 5 at pangalawa ay […]