• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Wala nang SAP sa 2021 budget – DBM

Wala nang ilalaan na pondo ang gobyerno para sa pamamahagi ng ayuda sa ilalim ng panukalang pambansang pondo para sa taong 2021.

 

Ito ang nilinaw ni Budget Secretary Wendel Avisado sa pagsisimula sa pagtalakay ng House Committee Appropriations ni Sen. Sonny Angara sa P4.5 trillion national budget para sa susunod na taon.

 

Sa nasabing pagdinig, tinanong ni Minority leader Franklin Drilon kung bakit walang alokasyon para sa Social Amelioration program o SAP gayung tumaas ang bilang ng mga pamilyang Filipino na naghihirap dulot ng COVID-19 pandemic.

 

Paliwanag ng kalihim, para sa taong 2021 ay mayroon lamang regular na programa ang DSWD at ito ay ang pamamahagi ng 4Ps.

 

Sabi ni Avisado, ang P200 bilyon budget para sa SAP sa ilalim ng Baya­nihan 1 na nagbenepisyo sa may 18 milyong Pinoy ngayong taon at panibagong P6 bilyon sa Bayanihan 2 ay ibinigay dahil hindi makapagtrabaho ang karamihan dulot ng lockdown.

 

Kaya walang probisyon ng SAP para sa susunod na taon.

 

Bukod dito, nag-i-invest umano ang gobyerno sa infrastructure projects na magbibigay ng “multipier effect” para magkaroon ng maraming trabaho at magpapataas sa ekonomiya ng mga Filipino na mas mabuti umano kaysa mamahagi ng ayuda.

Other News
  • VCO trials nagpakita nang malaking pagbaba ng virus count sa mild COVID-19 cases

    Nakitaan ng malaking pagbawasa sa coronavirus count ng mga pasyenteng nakibahagi sa community trials para sa virgin coconut oil (VCO) bilang adjunct treatment sa mild COVID-19 cases.     Ayon kay Department of Science and Technology Undersecretary (DOST) Rowena Guevarra, sa pag-aaral sa isang pasilidad sa Sta. Rosa, Laguna lumalabas na binawasan ng VCO ng […]

  • Obiena umatras na sa pagsabak sa Germany dahil sa kulang na ensayo

    UMATRAS na si Pinoy pole vaulter EJ Obiena sa pagsali sa Init Indoor Meeting dahil sa kakulangan ng ensayo.     Sinabi ng kaniyang advisor na si Jim Lafferty na nagdesisyon si Obiena at coach nito na si Vitaly Petrov na hindi lumahok sa nasabing torneo nagaganapin sa Karlsurhe, Germany.     Wala aniyang problem […]

  • 5 major agenda, palalakasin pa ni Mayor Joy

    LIMANG major agenda ang higit na palalakasin ni Quezon City Mayor Joy Belmonte sa ikalawang termino  nito bilang alkalde sa lungsod.     Inihayag ito ng alkalde sa ginanap na inagural ceremony ng mga nanalong  opisyal ng QC.     Pinangunahan ni Mayor Joy ang okasyon kasama sina Vice Mayor Gian Sotto  at anim na […]