Wala nang SAP sa 2021 budget – DBM
- Published on September 11, 2020
- by @peoplesbalita
Wala nang ilalaan na pondo ang gobyerno para sa pamamahagi ng ayuda sa ilalim ng panukalang pambansang pondo para sa taong 2021.
Ito ang nilinaw ni Budget Secretary Wendel Avisado sa pagsisimula sa pagtalakay ng House Committee Appropriations ni Sen. Sonny Angara sa P4.5 trillion national budget para sa susunod na taon.
Sa nasabing pagdinig, tinanong ni Minority leader Franklin Drilon kung bakit walang alokasyon para sa Social Amelioration program o SAP gayung tumaas ang bilang ng mga pamilyang Filipino na naghihirap dulot ng COVID-19 pandemic.
Paliwanag ng kalihim, para sa taong 2021 ay mayroon lamang regular na programa ang DSWD at ito ay ang pamamahagi ng 4Ps.
Sabi ni Avisado, ang P200 bilyon budget para sa SAP sa ilalim ng Bayanihan 1 na nagbenepisyo sa may 18 milyong Pinoy ngayong taon at panibagong P6 bilyon sa Bayanihan 2 ay ibinigay dahil hindi makapagtrabaho ang karamihan dulot ng lockdown.
Kaya walang probisyon ng SAP para sa susunod na taon.
Bukod dito, nag-i-invest umano ang gobyerno sa infrastructure projects na magbibigay ng “multipier effect” para magkaroon ng maraming trabaho at magpapataas sa ekonomiya ng mga Filipino na mas mabuti umano kaysa mamahagi ng ayuda.
-
Contingency fund ng OP, hindi gagamitin para sa pangangampanya
TINIYAK ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa publiko na hindi niya gagamitin ang contingency fund ng Office of the President (OP) para pondohan ang pangangampanya ng mga kandidato ng administrasyon sa Eleksyon 2022. Ang pagtiyak na ito ni Pangulong Duterte ay sa gitna ng napaulat na natuklasan ng Commission on Audit (COA) na may […]
-
2 walang suot na face mask, huli sa shabu
KULONG ang dalawang katao na nasita dahil sa hindi pagsuot ng face at paglabag sa curfew hour matapos makuhanan ng tig-isang plastic sachet ng hinihinalang shabu sa Malabon city, kahapon ng madaling araw. Kinilala ni Malabon police chief Col. Jessie Tamayao ang mga naarestong suspek na si Rommel Dayao, 34, at Rominick Mirandilla, 31, […]
-
Marawi , nakakuha ng 6 na trak ng bumbero mula China
NAGDONATE ang gobyerno ng China ng anim na sets ng trak ng bumbero sa Marawi City. “With the donation of these fire trucks, the Bureau of Fire Protection in Marawi City will provide a more efficient and effective fire safety response within its area of responsibility and its nearby municipalities. This project will […]