Wala nang walk-in sa educational ayuda – DSWD
- Published on August 26, 2022
- by @peoplesbalita
WALA nang mangyayaring walk-ins sa gagawing pamamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng educational assistance sa mahihirap na mag-aaral sa bansa lalo na sa Metro Manila.
Nagpayo si DSWD Secretary Erwin Tulfo na sa mga nais makakuha ng cash assistance ay kailangang mag-register sa https://bit.ly/3dB9mSg o mag-email sa ciu.co@dswd.gov.ph.
Ang aplikante anya ay maaaring tingnan ang DSWD website at social media accounts para sa mga katanungan at ibang mga detalye para dito.
Malaki ang paniwala ni Tulfo na ang mga kalituhan sa nagdaang sistema ng payout ang nagbukas sa kanilang gamitin ang digital system sa pamamahagi ng ayuda.
Ang mga aplikante ay tatanggap ng text message mula sa DSWD para malaman kung saan ang kanilang payout sites.
“Pipiliin namin alphabetical, siguro this ?coming Saturday ‘yung mga apelyido na nagsisimula sa letrang A hanggang F so ‘yun muna ang ia-accommodate natin for this ?coming Saturday, nationwide ‘yun,” paliwanag pa ni Tulfo.
Makaraang suspendihin muna ang pamamahagi ng cash aid sa mga mag-aaral noong nagdaang Sabado dahil sa dumagsang mga tao, muling magsisimulang mamahagi ng ayuda ang DSWD para dito sa darating na Sabado.
Kaugnay nito, lumagda ng isang memorandum of agreement si Tulfo at DILG Secretary Benhur Abalos para magtulungan sa pamamahagi ng educational assistance sa mga mag-aaral.
Sa ilalim ng kasunduan, ang mga local government units (LGUs) ang magsasabi ng payout site at maglalagay ng dagdag na tauhan tulad ng mga social workers na susuri sa mga dokumento ng mga aplikante at maglalagay ng police at barangay officers sa lugar para sa maayos at matahimik na pamamahagi ng cash aid.
Tanging certificate of enrollment at identification card ang dadalhin ng benepisyaryong mag-aaral para makausap ng tauhan ng DSWD at matanggap ng mga ito ang kanilang financial assistance. (Daris Jose)
-
5 nalambat sa P241K droga sa Malabon
Limang hinihinalang sangkot sa ilegal na droga kabilang ang dalawang babae ang arestado sa isinagawang magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Malabon City. Sa ulat, alas-3:30 ng hapon nang masagawa ng buy bust operation NPD District Drug Enforcement Unit (DDEU) sa pangunguna ni PLTCOL Macario Loteyro at PMAJ Jerry Garces sa […]
-
PHILIP, BATO, GO NAGHAIN NA RIN NG KANILANG COC
SA kauna-unahang pagkakataon ay sasabak na rin sa pulitika ang aktor na si Philip Salvador sa ilalim ng Partido PDP Laban. Si Philip Salvador ay tatakbo bilang Senador matapos pormal na maghain ng kanilang Certificate of Candidacy ngayong araw sa Manila Hotel Tent City. Isa sa plataporma ng aktor ang peave and order […]
-
SINAKSIHAN nina Mayor John Rey Tiangco, Cong. Toby Tiangco at Vice Mayor Tito Sanchez ang pagsubuan ng cake
SINAKSIHAN nina Mayor John Rey Tiangco, Cong. Toby Tiangco at Vice Mayor Tito Sanchez ang pagsubuan ng cake nina Reynaldo Gregorio, 59, at Rosario Avelino, 55, ang pinakamatandang mag-asawa na kabilang sa 51 long-term partners na ikinasal sa libreng Kasalan Bayan na inorganisa ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas para sa mga Navoteño. (Richard Mesa)