Wala ng magagamit na drug money sa panahon ng pangangampanya sa 2022 elections
- Published on October 9, 2020
- by @peoplesbalita
TINIYAK ng Malakanyang na wala ng kakalat na drug money sa 2022 elections dahil ipinasisira na niya para hindi na ma-recycle pa ng mga tinatawag na Ninja cops ang mga nakumpiskang ilegal na droga.
Sinabi ni Presidential spokes- person Harry Roque napara maalis ang pagdududa ng ilan sa naging kautusan na ito ng Pangulo ay nais ng Chief Execu- tive na pangunahan ang Pagsira at pagwasak ng mga ilegal na droga lalo na ng shabu na ginagamit na ebidensiya laban sa drug personality.
Naniwala si Sec. Roque na hindi pa nagbabalik ang buong tiwala ng mga Filipino sa mga drug enforcement agencies o sa Philippine National Police (PNP) kaya’t pabor aniya siya na dapat ay mayroong mga tauhan mula sa Korte at administrasyon ang mangasiwa sa pagsira ng mga nasabing drug evidence.
Sa pamamagitan aniya ng hakbang na ito ay wala nang iikot o magagamit na drug money sa panahon ng pangangampanyang mga kandidato para sa nalalapit na 2022 national at local elections. (Daris Jose)
-
Mga bansa sa buong mundo nagpataw ng global sanction sa Russia dahil sa pagsalakay nito sa Ukraine
NAGPAPATAW ngayon ng bagong mga parusa ang iba’t-ibang bansa sa buong mundo laban sa Russia dahil sa pagsalakay nito sa Ukraine. Ang European Union, Japan, Australia, New Zealand, at Taiwan ay pare-parehong pinatawan ng bagong injunction ang Moscow, Russia bilang pagkondena sa naging paglusob ng militar nito. Sinabi ni European Commission […]
-
Tinawag na ‘patron ng mga tanga sa pag-ibig’: ANGELICA, nagpasalamat sa netizen at sinabing titila rin ang ulan ng kamalasan
SUMAGOT at nagpasalamat si Angelica Panganiban sa tweet ng isang netizen na kung tinawag siyang ‘santa’. Ayon sa tweet ni @mckmaquino, “Santa Angge, ang patron ng mga tanga sa pag-ibig, finally, nanalo na sa pag-ibig. Congrats! Prayer reveal naman dyan @angelica_114 😂 #SanaAll.” Sagot naman ni Angge, “Salamat 🤭 hintayin mo lang, […]
-
MAKABAYAN slate, nagsumite ng COC
MAGKAKASAMANG nagsumite ng kanilang dokumento at intensyon ng pagtakbo para sa 2025 national at local elections ang Makabayan slate ngayong ika-apat na araw ng paghahain ng Certificate of Candidacy (COC). Ang mga sumunod na Makabayan slate at mga kumakatawan ay ang mga sumusunod. 1. ACT Teachers Rep. France Castro 2. Gabriela […]