Wala pang community transmission ng ‘mas nakakahawang’ COVID-19 variants sa PH
- Published on March 9, 2021
- by @peoplesbalita
Nilinaw ng Department of Health (DOH) na wala pa ring ebidensya ng community transmission o pagkalat sa komunidad ng mga mas nakakahawang variants ng COVID-19 virus na naitala sa bansa.
“Wala tayong confirmed community transmission as of yet. We are still further studying the cases,” ayon kay Health Usec. Maria Vergeire sa isang press briefing.
Bagamat aminado ang opisyal na tumataas ang kaso ng coronavirus sa bansa, iginiit nitong hindi pa pwedeng isisi sa mga variants ang pagsipa ng numero.
Batay sa huling update ng DOH, mayroon nang 118 na kaso ng mas nakakahawang UK variant, at 58 kaso ng isa pang mas nakakahawa at sinasabing may epekto sa bakuna na South African variant.
“Tumataas ang kaso totoo, pero di pwedeng sabihin na variants ang nag-cause solely. Kaya tumataas ang kaso kasi nakakaligtaan nating ayusin at mag-comply sa minimum health standards.”
Ayon sa opisyal, may ilang konsiderasyon para masabing may community transmission na ng coronavirus variants.
“When we say community transmission, kailangan nakikita natin may clustering ng kaso. Doon sa clustering hindi mo na makita yung link ang bawat isang kaso na ‘yan… tapos dito sa community ng nagkakasakit din, hindi mo na ma-link kung saan nakuha yung sakit.”
Nagpaliwanag naman si Vergeire dahil higit 300 samples lang ang isinailalim sa whole genome sequencing noong nakaraang linggo.
Ito’y kahit 750 samples kada linggo ang dapat na pino-proseso ng UP-Philippine Genome Center.
“Yung unang parte ng linggo kaya 300 plus, this was because nakapag-submit tayo ng more than 750 samples. Kaya lang out of it, ang naging katanggap-tanggap lang ay 300 plus lang, kaya ‘yun ang na-run noong batch na ‘yon.”
“And then we did another run last week, a purposive run where we focused on NCR, Region 7, and returning overseas Filipinos, because gusto na natin makita yung extent sa mga lugar na tumataas ang kaso.”
Sa ilalim ng genome sequencing inaalam ang identity at pinagmulan ng virus. Ayon sa DOH, kailangang mababa sa 30 ang cycle threshold (CT) value ng isang positive sample para masailalim sa proseso.
Sa loob ng nakalipas na tatlong araw, higit 3,000 bagong kaso ng COVID-19 ang naitala ng DOH.
Pumalo na sa 594, 412 ang kabuuang bilang ng coronavirus cases sa Pilipinas. (Daris Jose)
-
TOM at CARLA, October 2020 pa engaged pero ngayon lang ni-reveal
MATAGAL na palang engaged ang longtime na mag-sweetheart din naman na sina Tom Rodriguez at Carla Abellana. October 2020 pa ay engaged na ang dalawa kunsaan live-in na rin naman sila ng matagal kaya nitong nakaraang enhanced community quarantine, silang dalawa talaga ang magkasama sa bahay ni Carla. Kaya halos lahat […]
-
LTFRB, nilinaw na walang katotohanan na phase out na ang traditional jeepney
NILINAW ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na hindi totoong aalisin ng gobyerno ang mga tradisyunal na jeepney sa mga darating na buwan. Ngunit, nagpapatuloy ang planong gawing moderno ang pampublikong sasakyan. Nababahala ang mga driver na hindi na ipagpatuloy ang mga jeepney kapag lumipat ang mga lugar sa […]
-
LGUs may boses, bida sa UniTeam administration
SINISIGURO ni presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na may malaking papel na gagampanan at mapapakinggan ang boses ng mga lokal na pamahalaan matapos silang manalo sa darating na halalan ngayong Mayo 9. Ito ang sinabi ni Marcos sa harap ng mga local officials ng Zambales sa kanyang pagbisita sa lalawigan. […]