• May 15, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Wala pang gusto magsalita sa isyu ng hiwalayan: HEART, balitang aalis na at maninirahan sa Paris

MATAGAL-TAGAL ding na-miss ng mga netizens si Kapuso actress Jean Garcia.  

 

 

They are wondering kung bakit hindi raw yata gumagawa ang mahusay na actress-kontrabida ng teleserye.

 

 

Only to find out na matagal-tagal na pala siyang naka-lock-in taping para sa fantasy drama series na “Lolong” sa isang lugar sa Batangas.  Nagkaroon pa sila ng break nang maaksidente ang bida ng “Lolong” na si Ruru Madrid, kaya balik-lock-in taping sila nang gumaling na ang actor.

 

 

Sa pagbalik ni Jean, shocked ang mga viewers niya dahil napakasama ang character niya bilang si Rona, asawa ng governor ng bayan, si Armando, played by Dramatic Actor Christopher de Leon.  Kung masama raw kasi ang governor nila, mas masama si Rona at siya pa ang pasimuno sa mga gagawin ni Armando, na sinusunod naman nito.

 

 

Ngayon ay humihirit pa ang mga viewers ng “Lolong” ng part two ng top rating na GMA Telebabad, dahil gusto nila ang story ni Lolong at ng pinakamalaking buwaya na natagpuan sa Pilipinas, na tinawag na “Dakila” ni Lolong na nakakausap at sinusunod siya.

 

 

Kung magkakaroon ng part two ang “Lolong,” maglalagare ng dalawang teleserye si Jean, dahil nasimulan na niya ang taping ng bagong GMA Afternoon Prime na “Nakarehas na Puso.”

 

 

Malapit nang mapanood ang bagong teleserye na tiyak na susubaybayan ng mga netizens, dahil isa rin itong family drama na may hatid na kakaibang kwento tungkol sa pamilya.

 

 

Kilalanin ang Pamilya Galang na bubuuin nina Jean Garcia, ang nagbabalik-acting na dating beauty queen, si Michelle Aldana, at Leandro Baldemor.  Makakasama rin nila sina Vaness del Moral, Edgar Allan Guzman, Claire Castro, Ashley Sarmiento, Bryce Eusebio, Chanel Latorre, Marnie Lapuz, Analyn Barro at Dang Cruz.

 

 

Papallitan nila ang drama series na “The Fake Life” nina Ariel Rivera at Beauty Gonzalez.

 

 

***

 

 

ISA pang malapit na rin mapanood ay ang pinakabagong drama series ng GMA Telebabad, ang Philippine adaptation ng hit Korean drama series na “Start-Up” na tiyak na mamahalin ng mga Kapuso viewers gabi-gabi.

 

 

Ito rin ang maghuhudyat ng first team-up ng mga Kapuso prime stars na sina Asia’s Multimedia Star Alden Richards at Bea Alonzo.

 

 

Sa mga nakasubaybay na ng original Korean-drama series,  si Alden ang gaganap sa role ni Tristan “Good Boy” Hernandez, isang matalino at madiskarteng lalaki, solo sa buhay pero magsisikap para sa kanayng magandang kinabukasan.  Tutulungan naman siya ng kinikilala niyang si Lola Joy (Gina Alajar).

 

 

Award-winning actress Bea Alonzo is Dani Sison, sweet at maalaga sa kanyang Lola Joy, palaban, lagi siyang bumabangon, dala ang lessons na nakuha niya from her experiences.

 

 

Kasama rin sa cast si Yasmien Kurdi as Ina, nakatatandang kapatid ni Dani. She’s strong, driven and ambitious, cold and independent. Si Jeric Gonzales naman ay si Dave, matalino pero hindi sapat ang kaalaman sa pagpapatakbo ng negosyo.  Kasama rin sa cast sina Boy 2 Quizon, Royce Cabrera, Kim Domingo.  Sa direksyon ito nina Jerry Sineneng at Dominic Zapata.

 

 

Sa September 26 na ang world premiere ng “Start-Up Philippines” sa GMA Telebabad.

 

 

***

 

WALA pang gustong magsalita sa real score sa pagitan nina Senator Chiz Escudero and his wife, actress-influencer na si Heart Evangelista.  

 

 

May nagsabi kamakailan lamang na magbibigay ng kanilang statement ang GMA Network, pero pinabulaanan nila ito, private matter daw iyon at ayaw nilang makiaalam.

 

 

Kahit ang mommy ni Heart, si Ms. Cecille Ongpauco ay nagsalita tungkol sa kumakalat na balitang hiwalay na ang anak at si Sen. Chiz pero, sinabi niyang naniniwala siyang malalagpasan ng dalawa kung anuman ang nangyayari sa kanila.

 

 

“It’s their private life so I am just praying for them, I know they will be ok.  I’ve known Chiz to be a mature and grounded person that’s why I am happy for my daughter.”

 

 

Ang balita lamang kumakalat, gusto raw ni Heart na umalis ng Pilipinas, at gusto niyang manirahan na muna sa Paris.

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • Economic team, nakakita ng pag-asa sa gitna ng multiple challenges

    MAHAHARAP ang  incoming administration  sa “multiple challenges” kapag nagsimula nang gampanan nito ang tungkulin  sa Hunyo 30.     Subalit, ang malakas na fundamentals at malinaw na  macroeconomic prospects ang nakapagbigay ng lugar para sa pag-asa,” ayon sa briefer na natipon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. mula sa itinalaga nitong economic team.     […]

  • Robert Pattinson Teases a Brand New Version of the Caped Crusader in Matt Reeves’ ‘The Batman’

    WARNER Bros. is set to introduce a brand new version of the iconic DC hero in the upcoming film The Batman directed by Matt Reeves.     So, the DC fans shouldn’t expect Robert Pattinson’s version of the Caped Crusader to be a straight-up hero.     Pattinson’s Bruce Wayne/Batman will be joined by Zoë Kravitz‘s Selina Kyle/Catwoman, […]

  • 300 PAMILYA, NASUNUGAN SA BASECO SA MAYNILA

    UMABOT sa ika-apat na alarma ang naganap na sunog sa isang residential area sa Baseco  Compound sa Maynila kagabi.     Sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa  Manila, umabot na sa mahigit-kumulang isang milyon piso ang halaga ng ari-arian ang tinupok ng apoy sa Block 17 Old Site, Baseco sakop ng Brgy.649 […]