• November 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Wala siyang nakita at ‘di gagawın ‘yun ng anak: LOTLOT, natawa lang sa tsika na nakitang naghahalikan sina JANINE at JERICHO

NATAWA na lang si Lotlot de Leon nang tanungin namin tungkol sa pinag-uusapan ngayon sa social media na mga “sightings” kina Janine Gutierrez at Jericho Rosales.“Hahaha! Alam mo, nakakatuwa, kasi si Echo kasi magkasama kami nung launch ng kanta ni Diego (Gutierrez) na ‘Hanggang Sa Dulo’, in a bar in Katipunan,” panimula ni Lotlot.

 

 

 

“I was really surprised that he came, so nakakatuwa. I was surprised, I was touched.“Kasi siyempre nakakatuwa that he was there, he was very supportive and wala lang, it was all fun, we were there as a family.

 

 

 

“Nagpakita siya and sumuporta, so nakakatuwa, I’m very thankful.”

 

 

Sa naturang launch ng bagong kanta ni Diego, nagsimulang kumalat ang mga fake news na may nakakita raw na naghahalikan sina Janine at Jericho.

 

 

“Oo nga, nakakaloka, hindi naman totoo yun, nandun tayong lahat, it was all fun,” maagap niyang sagot.

 

 

Lahad pa niya, “Oo, hindi ko alam, nakakatawa, hindi ko alam kung saan nila… na-shock ako, kasi nandun ako the whole time, so wala naman akong nakita na kissing or anything na ganyan, and you know Janine is…hindi e, hindi siya ganun.”

 

 

Si Janine at Echo ay magkasama sa Lavender Fields (kung saan may guest role si Lotlot) at doon nagsimula ang mga “sightings” sa dalawa, nagsimula sa taping hanggang eventually ay nakita na nga ang dalawa na lumalabas.

 

 

Sa pagkakaalam ni Lotlot, ano ang sitwasyon sa pagitan nina Janine at Jericho?

 

 

“Well, they’re both single, so nakikita ko nga na they’re always together. That’s good if they’re trying to get to know each other.

 

 

“There’s nothing wrong with that, they’re both single, they’re both adults, they’re both mature individuals, so yeah, there’s really nothing wrong with it.”

 

 

Ano kaya ang magiging rekasyon ni Lotlot kapag nagpaalam si Jericho na liligawan na niya si Janine?

 

 

“That’s not up to me, but thank you for asking permission. Di ba, nakakatuwa na parang humingi ng paalam or mag-abiso, hindi ba?

 

 

“Nakakatuwa yun, so if eventually they are really dating, then I trust Janine, I trust her decision.”

 

 

Samantala, natanong din namin si Lotlot kung ano ang naramdaman niya na noong pumasok sa showbiz si Janine ay madalas, ‘Ah, anak nina Lotlot at Monching’ o ‘Ay ang gandang babae!’ pero sa kasalukuyan, with her many acting awards, ay pinatunayan ni Janine na hindi lamang siya pretty face kundi isa ring mahusay na artista?

 

 

“I’m very proud,” bulalas ni Lotlot.

 

 

“Kagaya ngayon paalis siya, she’s going to Venice, she has a movie with direk Lav Diaz, with Tito Ronnie Lazaro, she’s so excited.

 

 

“Actually, nung nagsu-shooting sila niyan, tuwang-tuwa na talaga si Janine na napili siya ni direk Lav!

 

 

“Ang ganda din nung story, so kaabang-abang and para mapili siya to participate in the Venice Film Festival, it’s an honor,” tuwang-tuwang reaksyon pa ni Lotlot na pagtukoy sa pelikulang ‘Phantosmia.’

 

 

“Sabi ko nga [kay Janine], ‘Excited na akong makita ka to walk that red carpet’, kasi naka-entry din dun yung pelikula ni Lady Gaga tsaka ni Joaquin Phoenix, yung Joker sequel (Joker: Folie à Deux), iyon yung nakakatuwa,” pagtatapos pa ni Lotlot.

 

 

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • Women’s softball team kauna-unahang koponan na nasa Japan

    Nauna ang women’s softball team ng Australia na mga international athletes na dumating sa Japan para sa Olympics.     Dadalo muna sa training camp sa Ota City ang koponan bago lumipat sa Athletes’ Village sa Tokyo sa Hulyo 17.     Lahat aniya ng mga miyembro nito ay naturukan na ng COVID-19 vaccine at […]

  • Sa gitna ng bagyong Nika at isang papasok na tropical depression: PBBM, nais na ipre-position na ng mga pribadong kontratista, na may kontrata sa national government ang kanilang assets

    NAIS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ipre-position na ng mga private contractor, na may kontrata sa national government ang kanilang assets sa gitna ng bagyong Nika at isang papasok na tropical depression.   ”Maliwanag sa Pangulo ang kanyang instruction at inuulit niya ito sa mga government agencies na ang bago ngayon ‘yung mga private […]

  • Ginang kulong sa P200K droga sa Valenzuela

    KALABOSO ang 58-anyos na ginang na sangkot umano sa pagtutulak ng iligal na droga matapos makuhanan ng mahigit P.2 milyong halaga ng shabu nang madakip ng pulisya sa ikinasang buy bust operation sa Valenzuela City.   Sa ulat ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, kinilala ang […]