• November 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Walang banta sa buhay ni Teves-PBBM

MULING inulit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na walang banta sa buhay ni dating Negros Oriental Representative Arnolfo “Arnie” Teves Jr., itinuturong utak umano sa masaker sa Negros Oriental noong Marso 2023 na ikinasawi ng 10 katao, kabilang ang gobernador na si Roel Degamo.
”Same thing. Wala naman kami… sa lahat ng mga sinasabi ni Arnie Teves, takot siya sa buhay niya, wala kaming report na ganoon. Walang nagbabanta sa buhay niya,” ayon kay Pangulong Marcos.
Sa ulat, sinasabing dinakip si Teves sa Dili East Timor habang naglalaro ng golf.
Kasalukuyan ngayong nasa kustodiya ng Timorese police si Teves.
Sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla na nakikipag-ugnayan na umano ang mga awtoridad ng Pilipinas sa mga awtoridad ng East Timor para maibalik sa bansa si Teves.
Matatandaang, Marso 2023 nang salakayin ng mga armadong lalaki ang tahanan ni Degamo sa Pamplona, Negros Oriental, at pinagbabarilin ang mga tao na nandoon pati na ang gobernador.
Nasawi si Degamo at siyam na iba, habang marami pa ang nasugatan.
May kinakaharap ding kaso si Teves sa hiwalay na pagpatay sa tatlong tao sa Negros Oriental noong 2019.
Nang mangyari ang masaker, nasa labas ng bansa si Teves at hindi na umuwi ng bansa. Hanggang sa matukoy na nasa East Timor siya at humihiling ng asylum.
Noong Agosto 2023, idineklara si Teves na terorista ng Anti-Terrorism Council, kasama ang 11 iba pa.
Pinatalsik din siya ng liderato ng Kamara de Representantes bilang kongresista dahil sa hindi na niya nagagampanan ang kaniyang trabaho bilang mambabatas.
Dati nang itinanggi ni Teves ang mga alegasyon laban sa kaniya. Iginiit din niya na may banta umano sa kaniyang buhay.
Nitong nakaraang Pebrero, inilagay si Teves sa red notice list ng International Criminal Police Organization (INTERPOL).
Ang red notice ay kahilingan upang hanapin ang isang tao na may kinakaharap na kaso at arestuhin para maiuwi sa kaniyang bansa.
Ikinatuwa naman ni Pamplona Mayor Janice Degamo, asawa ng nasawing gobernador, ang pagkakaaresto kay Teves. (Daris Jose)
Other News
  • Fernando, nagbigay ng direktiba sa PTF na paigtingin ang PDITR Strategy upang maghanda sa COVID Delta variant

    LUNGSOD NG MALOLOS- Kahit wala pang naiuulat na kaso ng COVID-19 Delta variant sa lalawigan, ipinag-utos ni Gobernador Daniel R. Fernando sa Provincial Task Force (PTF) on COVID-19 na paigtingin ang pagpapatupad ng Prevent-Detect-Isolate-Treat-Reintegrate (PDITR) Strategy sa ginanap na 12th Joint Meeting of the Response, Law and Order, and Recovery Clusters of the PTF sa pamamagitan ng aplikasyong […]

  • Ads July 7, 2021

  • Bagong CA Justice, isang Malacanang official

    ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Senior Deputy Executive Secretary Michael Pastores Ong, isang Malacanang official bilang bagong Associate Justice ng Court of Appeals.     Pinalitan ni Ong si Samuel Gaerlan na ngayon ay SC Associate Justice Si Ong , nagsilbi ng 15 taon sa gobyerno ay pinangalanan bilang bagong associate justice base […]