• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Walang basehan ang mga tirada at akusasyon ni dating Presidente Rodrigo Roa Duterte kay PBBM

ITO ang pahayag ni House Majority Leader Manuel Jose Dalipe sa mga tirada at akusasyon ni dating Presidente Rodrigo Roa Duterte labrtean kay Presidente Bongbong Marcos.

 

 

Giit nito, ang pag-atake ay pagpapakita lamang kung gaano umano kadesperado ni Duterte para mailayo ang atensiyon mula sa isinasagawang imbestigasyon sa alegasyon na crimes against humanity at sa anak nitong si Vice President Sara Duterte kaugnay naman sa misuse ng milyong halaga ng confidential intelligence funds.

 

“The Filipino people will never support a family that seeks to cling to power to evade accountability for corruption, genocide, and other high crimes. Former President Duterte’s rant is nothing more than a desperate attempt to undermine the credibility of our government and its leaders,” anang mambabatas.

 

 

Isa rin umanong kaipokrituhan sa bahagi ng dating pangulo kung saan pinaalala ni Dalipe sa publiko ang naging pag amin mismo ni Duterte ang paggamit nito ng fentanyl.

 

“Let us not forget that Duterte himself admitted to being a fentanyl user. If anyone deserves the label of a drug addict, it is certainly not President Marcos but the former president who has openly confessed to his dependence on drugs,” ani Dalipe.

 

Samantala, hinikayat nito ang gobyerno na manatiling matatag sa paghahanap ng accountability sa naging krimen umano ni Duterte.

 

 

Nagpahayag naman si Dalipe sa patuloy na pagbibigay suporta kay Presidente Marcos. (Vina de Guzman)

Other News
  • Gov Remulla pwede kasuhan sa Cavite rally ‘vote buying’ — abogado

    PUWEDENG kasuhan ng Commission on Elections (Comelec) mismo ang isang pulitiko sa probinsya ng Cavite dahil sa pamimigay ng pera bago ang isang political rally nina presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ayon sa isang election lawyer.     Martes nang mamataang namimigay si Cavite Gov. Jonvic Remulla ng libu-libong papremyo sa isang covered court […]

  • WATCH THE MUSIC VIDEO OF “SUZUME” OFFICIAL SONG BY RADWIMPS

    WARNER Bros. Philippines has released the music video of the “Suzume” Official Song by Radwimps feat toaka.       Check it out below and watch Makoto Shinkai’s critically acclaimed magical adventure “Suzume” now playing in cinemas across the Philippines.     YouTube: https://youtu.be/n0v2uIeo4Y8     On the other side of the door, was time in its entirety— […]

  • 3 drug suspects kalaboso sa P448K shabu sa Caloocan

    SHOOT sa kulungan ang tatlong hinihinalang drug personalities matapos makuhanan ng mahigit P.4 milyon halaga ng shabu sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.     Kinilala ni Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr ang naarestong mga suspek na sina Charlie Cortez alyas “Charles”, 31, June Christian Rivera, 27 at Glenn Batucan, 35, pawang […]