Walang fare matrix, walang taas singil sa pasahe – LTFRB
- Published on October 6, 2022
- by @peoplesbalita
IPINAALALA ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga operator / drivers ng mga pampasaherong sasakyan sa bansa lalo na sa Metro Manila na hindi maaaring maningil ng taas pasahe hangga’t walang nakapaskil na fare matrix.
Kaugnay ito sa pagsisimula ng taas pasahe nitong Lunes sa mga pampublikong sasakyan.
Kasabay nito sinabi pa ng LTFRB na nakabukas ang ahensiya para sa mga kukuha ng kopya ng kanilang fare matrix para makapaningil na ng dagdag pasahe sa mga pasahero.
Inihayag din ni LTFRB Board Member Mercy Jane Paras-Leynes na umaabot pa lamang sa anim na porsyento ng target public utility vehicles (PUVs) ang nakakuha ng kopya ng updated fare matrix.
“Ito pong fare matrix para sa effectivity nung bagong fare adjustment, mga six percent pa lang ang nabibigyan natin doon sa target nating 250,000 na mga PUVs,” sabi ni Paras-Leynes.
Sinabi pa nito na magpapataw ang LTFRB ng P5,000 multa para sa PUVs na hindi maglalagay ng kopya ng bagong fare matrix base sa Joint Administrative Order No. 2014-001.
Dahil sa mababang porsyento ng PUVs na hindi nakakuha ng updated fare matrix sa unang araw ng fare increase, sinabi ni Paras-Leynes na inihanda ng LTFRB ang monitoring teams nito upang bantayan ang PUVs. Nakipag-ugnayan na rin umano ang LTFRB sa operators upang tiyakin ang pagsunod ng kanilang PUVs.
Nanawagan ito sa mga commuters na ireklamo ang mga PUVs na walang bagong fare matrix sa Facebook page at hotline 1342 ng LTFRB. Nabatid na P50 ang singil ng LTFRB para sa kopya ng updated fare matrix.
Unang inaprubahan ng LTFRB ang pagpapatupad ng taas pasahe sa PUVs dahil sa epekto ng patuloy na taas ng halaga ng petroleum products. (Daris Jose)
-
Mahigit 64,000 job vacancies sa bansa at abroad, magbubukas para sa isasagawang job fair kasabay ng Labor Day
AABOT sa mahigit 64,000 job vacancies sa bansa at abroad ang magbubukas kasabay ng pagdiriwang ng Labor day sa Mayo 1. Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), nasa kabuuang 52,237 trabaho para sa local employment habang nasa 12,248 job vacancies naman sa iba’t ibang bansa. Ilan sa pangunahing bakanteng […]
-
TOM, nagka-interes sa kakaibang character kaya niya tinanggap ang teleserye kasama sina ALDEN at JASMINE
SIMULA na ngayong gabi, June 28, ang finale week ng top rating at pinag-uusapang romantic-comedy series na First Yaya nina Gabby Concepcion at Sanya Lopez. Nagsimula na ang twist ng story last Friday evening, and it seems, na wala nang maba-bash ang mga netizens na galit sa mga gumanap na kontrabida sa buhay […]
-
Rehabilitasyon ng Lagusnilad, tapos na
MATAPOS ang anim na buwan na rehabilitasyon, binuksan na rin ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila ang Lagusnilad kahapon araw ng Martes. Isang maigsing programa ang isasagawa ng lokal na pamahalaan dakong alas-8:30 ng umaga na dadaluhan din ng mga opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na nakatuwang sa pagsasaayos sa […]