‘Walang indikasyon na magkakaroon ng lockdown pagkatapos ng halalan sa Mayo’ – Duque
- Published on May 5, 2022
- by @peoplesbalita
WALA umanong nakikitang indikasyon sa ngayon na magpapatupad ng lockdown pagkatapos ng halalan sa Mayo 9 dahil sa posibilidad ng pagtaas ng bilang ng COVID-19 cases.
Ayon kay DOH Secretary Frnacisco Duque III, tanging granular lockdowns lamang at hindi malawakang lockdown ang posibleng ipatupad kung kinakailangan.
Maging ang OCTA Research Group ay hindi inirerekomenda ang muling pagpapatupad ng lockdowns sa kabila ng projection na tataas ang COVID-19 infections mula sa 50,000 hanggang 100,000 active cases.
Nauna nang ibinabala ng DOH na posibleng makaranas ng panibagong surge ng COVID-19 infections sa kalagitnaa ng buwan ng Mayo kung saan ang National Capital Region ay maaaring makapagtala ng nasa halos kalahating milyong aktibong kaso kung mababalewala ang mga ipinapatupad na minimum public health standards (MPHS).
Batay sa pagtaya ng ahensiya, maaring magresulta ng 25,000 hanggang 60,000 ang maitalang bagong kaso ng COVID-19 kada araw sa May 15 kung bababa ng 50% ang compliance sa MPHS.
-
“The Wild Robot” Unveils an Emotional Adventure with Star-Studded Voice Cast
EMBARK on a whimsical and emotional journey with Lupita Nyong’o and Kit Connor in DreamWorks Animation’s The Wild Robot. Watch the new trailer and discover this heartwarming tale of adventure, love, and unexpected bonds, coming to Philippine cinemas on October 9. DreamWorks Animation has just released the highly anticipated […]
-
Sinasabay sa taping ng series na ‘The Bagman’: JUDY ANN, hands-on sa pag-aasikaso ng kantina nila ni RYAN
NAGBAGONG-BIHIS ang Angrydobo sa Taft Avenue na pag-aari ng mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo. May pangalang Cantina Angrydobo, isa na itong high-end pero mura na carinderia o canteen na natatagpuan sa loob ng mga eskuwelahan. At dahil nasa harap lamang ito ng De La Salle University, […]
-
Klase sa public schools sa Agosto 29 na
PORMAL nang inanunsiyo ng Department of Education (DepEd) kahapon ang pagbubukas ng klase sa mga pampublikong paaralan sa bansa. Sa abiso ng DepEd, magbubukas ang klase para sa School Year 2023-2024 sa lahat ng public schools sa Agosto 29, 2023. Samantala, ipinauubaya naman ng DepEd sa mga pribadong paaralan ang pagtatakda […]