• October 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Walang kalawang si Patong Patong

MAY ilan ding buwang garahe sa karera ng mga kabayo ang stakes race campaigner na si Patong Patong na nirendahan ni JD Flores.

 

Pero hindi kinakitaan ng kalawang  ang dalawanang matikas na pamayagpagan ang Philippine Racing Commission o PHILRACOM Rating Based Handicap System 2020 nitong Linggo, Setyembre 6 sa Metro Manila Turn Club sa Malvar-Tanuan City, Batangas.

 

Lumagay lang munang  pangatlo sa largahan, pero hinablot  ang bandera sa unang 100 metro ng hagaran hanggang meta, at nanalong may 10 kabayo ang poste laban sa sumegundong si Calle Loreta. Tumersero si Alonzo Hall.

 

“Mahusay talaga, hindi nagbago ang takbo.  Baka ‘yung mga tumatalo sa kanya dati ay puwede na niyang matsambahan ngayon dahil matagal na walang karera,” post ni Rudy De Leon sa Facebook page ng karera. (REC)

Other News
  • 13 milyong motorsiklo sa Pinas ‘di rehistrado – LTO

    TINATAYANG 13 milyong motorsiklo na tumatakbo sa lansangan sa buong bansa ang hindi rehistrado.     Ayon kay Land Transportation Office (LTO) Plates Unit officer-in-charge Nivette Amber Pastorite sa pagdinig ng Senate Committeee on Justice and Human Rights na pinamumunuan ni Sen. Francis Tolentino, 12.9 milyon motorsiklo ang tumatakbo sa mga ­lansangan na hindi rehistrado. […]

  • Libreng bakuna vs Pertussis, larga na sa Maynila

    LARGA na ang 44 health centers ng lungsod ng Maynila sa pagbibigay ng libreng bakuna laban sa nakamamatay na sakit na Pertussis na karaniwang tumatama sa mga sanggol o bata.     Nanawagan si Mayor Honey Lacuna sa mga magulang at guardian na dalhin ang mga anak na bata  sa pinakamalapit na health center at […]

  • DOJ buo ang tiwala sa NBI kaugnay inihaing laban kay Teves

    BUO  ang tiwala ng Department of Justice sa National Bureau of Investigation kaugnay ng inihaing patong patong na reklamong murder, frustrated murder at attempted murder kay suspended Negros Oriental 3rd District representative Arnolfo Teves Jr.     Ayon Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, dalawang buwan itong pinag-aralan ng National Bureau of Investigation kaya naman raw […]