Walang kapaguran ang ‘Super Ate’ ng Pangulo: Sen. IMEE, todo arangkada para kanyang mga adbokasiya
- Published on November 11, 2022
- by @peoplesbalita
SAMAHAN si Senadora Imee Marcos sa pag-ikot niya sa bansa para sa kanyang mga public service advocacies.
Lahat nang ito ay mapanonood ng libre sa kanyang official YouTube channel ngayong weekend.
Sa araw na ito, Nobyembre 11, silipin ang kanyang bagong vlog, sa pagtungo nang walang kapagurang Senadora sa Cebu para sa kanyang COOP at Nutribun distribution campaign.
Dumalo si Sen. Imee sa Transport Cooperative Day celebration ng Cebu kung saan nakipag-bonding siya sa transport sector ng lungsod.
Ang mambabatas, na kilala bilang #SuperAteNgPangulo, ay nagkaroon ng dialogue kasama ang iba’t-ibang mga kooperatiba habang ipinahayag ng mga ito ang pakiusap nila para sa suporta.
Bumisita rin ang butihing Senadora sa Lapu-Lapu City kung saan namigay siya ng Enhanced Nutribun para sa mga kabataan ng Barangay Soong at child development centers 1 at 2 ng Barangay Mactan.
Sinamahan siya rito ni Lapu-Lapu Mayor Junard “Ahong” Chan, ng Lapu-Lapu Congresswoman na si Cindi King Chan, at iba pang mga opisyal ng munisipyo.
Ipapalabas naman sa kanyang YouTube channel sa Sabado (Nobyembre 12) ang katatapos lamang na
pagbisita niya sa Dasmariñas, General Trias, Noveleta, at Cavite City na kung saan nagbigay siya ng tulong lalo na sa Noveleta na tinamaan ng Bagyong Paeng.
Sa vlog na ito, matutuwa ang mga solid Imeenatics sa panonood habang pinamimigay ni Sen. Imee ang Assistance To Individuals In Crisis Situation (AICS) ng DSWD na nagkakahalagang Php3,000 para sa bawat 4,000 na benepisaryo mula sa apat na lalawigan. 3,000 enhanced Nutribun naman ang pinamigay niya sa General Trias at Noveleta.
Nanood din siya ng special live performances nina Lyca Gairanod, Bandang Lapis, at ilan sa pinaka-mahuhusay na homegrown talents ng Cavite matapos ang ribbon cutting ceremony sa Boardwalk Plaza ng Cavite City.
Samahan si Sen. Imee sa kanyang latest adventures at mag-subscribe
sa https://www.youtube.com/c/ImeeMarcosOfficial/featured
(ROHN ROMULO)
-
PDu30, nangakong patuloy na lalabanan ang korapsyon hanggang matapos ang termino
SA KABILA ng pag-amin na mahirap na gawain ang paglaban sa korapsyon ay nangako pa rin si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na patuloy niyang lalabanan ang korapsyon hanggang matapos ang kanyang termino. “We are not proclaiming that we have gotten rid of corruption. There is still corruption in this government and any other government […]
-
Ads January 14, 2023
-
Ads September 29, 2022