• November 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Walang kaso dahil lahat naman ay pinapanood: Chair LALA, inaming natutuwa sa isang segment ng ‘It’s Showtime’

INAMIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson Lala Sotto na may isang segment sa ‘It’s Showtime’ ang pinapanood niya, ito yung EXpecially For You.

 

 

Say niya, “Nakakaiyak kasi ‘yung ibang kuwento.”

 

 

Tanong tuloy sa kanya kung alam ba ito ni former Senator Tito Sotto) na pinapanood niya ang isa sa katapat ng ‘Eat Bulaga’? “Lahat naman pinapanood ko,” natatawa pa ulit na sagot ni Chair Lala.

 

 

Sa aming tsikahan kasama ang mga officers ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd), isa ‘yun sa napag-usapan.

 

 

Matatandaan na sinuspinde ng MTRCB ang ‘It’s Showtime’ last year ng two weeks dahil sa mga reklamo ginawang landian nina Vice Ganda and Ion Perez.

 

 

Bumalik sa ere ang ‘It’s Showtime’ noong Oktubre 28, 2023, may naulit pa bang reklamo silang natanggap?

 

 

“Ay, so far, wala. Very cooperative din sila,” sabi ng MTRCB Chairperson.

 

 

May constant communication raw sila sa production. Mas naging maingat na raw ang grupo ng noon time show.

 

 

Never pala niyang nagkita o nagkakilala ni Vice.

 

 

Binabantayan din nila naman ang ‘Batang Quiapo’ at ‘Black Rider’ nina Coco Martin at Ruru Madrid, dahil nakatatanggap din sila ng reklamo, dahil sa matitinding eksena.

 

 

“Normal naman ‘yun dito sa MTRCB. Almost everyday, may mga production or show kaming pinapatawag. If not almost, it’s really every day,” banggit pa niya.

 

 

Hindi naman nawawala ang bashers, kaya hindi na nagpapaapekto si Chair Lala.

 

 

“Don’t let it affect you by not… Just don’t read it. Parang you don’t want to listen to opinions that don’t matter to you. Maaapektuhan lang ako ‘pag may sinabi na sa akin ang magulang ko (Tito Sen at Helen Gamboa).”

 

 

Marami naman ang natuwang Legit Dabarkads na napunta na uli kina Tito, Vic & Joey ang ‘Eat Bulaga!’

 

 

“Rightfully so,” sambit ni Chair Lala.

 

 

Ano ang naramdaman niya nang manalo ang TVJ?

 

 

“Siyempre, masaya. Pasasalamat sa Panginoon na naibalik sa kanila ang dapat, ang nararapat. Na naging tama ang desisyon. I think that’s natural.

 

 

“Majority of the televiewers, majority of the Filipinos, I like to believe, would agree with me on that,” sagot pa ni Chair Lala.

 

 

Samantala, bukod sa dalawang programa sa SMNI, ipinagbawal na rin ng nasabing ahensiya ng pamahalaan simula kahapon ang pag-ere ng programang Private Convos with Doc Rica sa One News Cable Channel, dahil sa pagpapalabas nito ng episode na labag sa alituntunin ng MTRCB Rating.

 

 

Paano naman niya ia-assess ang nakaraang taon ng MTRCB, sa kabila ng mga isyu na kanilang hinarap?

 

 

“Ay! Successful! Ha! Ha! Ha! How would I assess the past year? We didn’t even notice na naka-one year na pala kami sa dami ng programa ng MTRCB,” masayang tugon pa niya.

 

 

“And we just do our job. We come in, do our job, and that’s about it. Pero hindi na namin napansin. Kasi we’ve been so busy really tending to our stakeholders.”

 

 

May plano rin daw ang MTRCB ang compliance seminars hindi lang sa noontime shows, kundi puro sa buong network, at isa sa ating aabangan.

 

 

At nakatutok pa rin sila this year sa ‘Responsableng Panonood’ sa buong bansa.

 

 

Sa ngayon, super happy si Chair Lala sa kanyang posisyon at wala siyang pinaplano kung tatakbo ba siya uli o hindi, after na maging chairperson ng MTRCB.

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 49) Story by Geraldine Monzon

    KAHIT nagseselos kay Jeff ay nagagawa ni Jared na kontrolin ang sarili. Habang si Jeff naman ay hindi maitago ang nararamdaman ng puso kaya ipinapakita talaga niya ang inis sa pinsan niyang iniisip niyang kaagaw kay Andrea.   Hanggang sa napuno na rin si Jared sa kaangasan ni Jeff at hindi na napigilan ang pag-igkas […]

  • May 7,000 erring motorcycle riders sinita

    Sinita ng Philippine National Police (PNP) ang mahigit sa 7,000 na motorcycle riders dahil sa hindi pagtupad sa regulasyon tungkol sa backriding na ipinatutupad ng IATF simula ng payagan ng pamahalaan ang ganitong klaseng transportasyon sa ilalim ng GCQ.   Marami sa mga backriding couples ay hindi sumusunod sa paglalagay ng barriers sa pagitan ng […]

  • WRITERS OF “A QUIET PLACE” ARE NOW FULL-FLEDGED DIRECTORS OF “65”

    SCOTT Beck and Bryan Woods previously triumphed as part of the writing team of A Quiet Place, which took audiences by storm in 2018.       Now, the tandem writes and directs Columbia Pictures’ new futuristic action-thriller 65, starring Adam Driver.     [Watch spot from 65 at https://youtu.be/_daxPsNkIoQ]     “Horror, suspense, action, adventure – that’s the sweet […]