• March 31, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Walang overcharging na nangyari sa gitna ng iniuutos nitong refund sa mga customers ng Meralco -ERC

BINIGYANG-diin ng  Energy Regulatory Commission na walang overcharging na nagawa ang Manila Electric Company (MERALCO) kasunod ng kautusang ibalik nito ang labis na singil na nakuha nito mula sa kanilang customers.

 

 

Sa Laging Handa briefing, sinabi ni ERC Chairperson Agnes Devanadera na hindi naman overcharging ang nangyari at sa halip ay  diperensiya lamang sa kanilang naging projection noon  at base sa aktuwal na pinagbabayaran ng MERALCO.

 

 

Aniya, kadalasan talaga  ay nagkakaroon  ng diperensiya at wala aniyang mali ukol dito.

 

 

Tinatayang, aabot sa 21.769 billion pesos ang iniutos ng ERC  na i-refund sa mga customers nito partikular dulot ng overcollection mula July 2015 hanggang June 2022.

 

 

Base sa 68-page ERC order na may petsang June 16, 2022, kailangang mag-reflect na sa July billing ng mga customers  nito ang refund. (Daris Jose)

Other News
  • Maraming makaka-relate sa real-life scenario ng ‘Pusta de Peligro’: KIM at MAINE, nakiisa sa newest campaign ng DigiPlus para sa responsible gaming

    OPISYAL nang inilunsad ng DigiPlus Interactive at ang social development arm nito, ang BingoPlus Foundation, ang ‘Pusta de Peligro Responsible Gaming’ campaign na kung saan ipinalabas na ang tatlong maikling pelikula. Ginanap ito sa Gateway Cinema 11, itinampok sa event ang matatag na pangako ng DigiPlus sa responsableng paglalaro, pagtataguyod para sa pag-iwas, edukasyon, at […]

  • Type din niya ang malaking biceps ng ka-loveteam: BARBIE, gustung-gusto ang pagiging maalaga ni DAVID

    TINANONG si Barbie Forteza kung ano ang mga qualities ni David Licauco ang gusto niya.       Lahad ng Kapuso actress, “Ang mga gusto kong qualities ni David, yung ahhh… pag-aalaga niya sa akin ‘pag kami lang dalawa.       “Yung kapagka kunyari, actually isa nga sa mga naalala kong memorable na eksena, […]

  • Kalituhan sa payment scheme, sanhi ng trapik sa Skyway 3

    Ang kalituhan sa payment scheme o paraan ng pagbabayad ng toll ang naging sanhi nang pagkakaroon ng mabigat na daloy ng trapiko sa Skyway Stage 3 noong Lunes.     Ayon kay Manuel Bonoan, pangulo at CEO ng Skyway Operations and Maintenance Corp., ang masikip na daloy ng trapiko ay nagsimula sa unang araw nang […]