Walang pakialam sa bashers at pananaw ng iba: BUBOY, ‘di ikinaila na supporter ang pamilya ng BBM-SARA tandem
- Published on April 11, 2022
- by @peoplesbalita
MASAYANG-MALUNGKOT ang pagbabalik ni comedienne-actress Rufa Mae Quinto sa bansa kamakailan lamang.
After three years na nanirahan sa Amerika, sa piling ni Alexandria, ang anak na babae nila ni Trevor Magallanes, parang natapat naman ang pagbalik niya sa pagyao ng brother niyang si Vincent Sy.
Sadya palang umuwi sa bansa si Rufa Mae, dahil nami-miss na niya ang showbiz. Pinayagan naman siya ng husband niya, kaya kasama ang baby girl nila, ay bumalik nga sila sa bansa.
Sa palagay naman namin, hindi mahirap para kay Rufa Mae ang makakuha ng kahit mga guest roles sa mga shows ng GMA Network na dating contract artist, bago siya bumalik muli sa America.
Our condolences, Rufa Mae and your family.
***
THANKFUL ang buong cast ng GMA Network’s first suspense-serye na Widow’s Web dahil lagi silang nagri-tate sa mga kasabayan nilang shows at 8:40PM gabi-gabi.
Isa nga sa naging usap-usapan ng mga netizens ay ang daring role na ginawa ng bida-kontrabidang si Barbara Dee, played by Carmina Villarroel.
Tanong nila, hindi raw ba nagkaroon ng second thought si Carmina, na may love scene kay Mike Agassi na sports coach ng anak niya sa story? Mike was in his briefs while si Barbara ay naka-night gown.
Hindi raw tumanggi si Carmina, nang mabasaa niya ang script, kailangan talaga iyon sa story, kaya hindi siya tumanggi.
Si Direk Jerry Sineneng ang nagsabi na si Mike ang naging reluctant dahil nahihiya raw siya kay Carmina. Kaya naman ang actress ang kumausap mismo kay Mike para maging comfortable sa kanya doing the scene, kaya maayos nilang na-execute ang said love scene.
“Masaya kami sa taas ng rating ng serye gabi-gabi,” wika pa ni Carmina.
“Siguro gigil na ang mga viewers malaman kung sino ba talaga ang pumatay sa kapatid kong si AS3 (Ryan Eigenmann).
“Lahat kasi, parang isa sa amin ang killer, ako, ang wife niyang si Ashley Ortega, ang half-brother naming si Adrian Alandy, si Vaness del Moral, pero ang nakakulong ay si EA Guzman as Frank, ang driver ni AS3 at boyfriend ni Pauline Mendoza na lihim na nag-iimbestiga sa kaso.”
Pero ngayon nasa last three weeks na lamang ang serye, happy ang cast dahil hindi na sila naka-lock-in taping.
Si Carmina ay masaya dahil nakakasama na niya araw-araw ang kambal nila ni Zoren Legaspi, sina Mavy at Cassy. Si Zoren ang naka-lock-in taping ngayon dahil out-of-town ang location nila ng bagong serye sa GMA, ang Apoy sa Langit, katambal si Maricel Laxa.
***
NAGKAROON ng ambush interview si Kapuso actor Buboy Villar sa isang political vlogger, habang nagpapakain siya nang libre sa harapan ng bahay nila.
Mahusay magluto si Buboy, kaya may small karinderia siya. Iyon ang isa pa niyang pinagkakaabalahan, ang pagluluto ng mga ulam, sa tulong ng kanyang pamilya, kapag wala siyang shooting or taping sa GMA Network.
Hindi ikinaila ni Buboy na supporter siya ng BBM-SARA tandem sa coming 2022 national elections.
Kaya tanong sa kanya, hindi ba siya bina-bash ng mga supporters ng ibang kandidato?
“Wala po naman akong pakialam sa kanila, basta supporter po lamang ako, alam ko ang mga pananaw nila, pero nagisnan ko na po ang family ko na Marcos loyalists sila, kaya tuluy–tuloy lang ang suporta namin sa BBM-SARA,” sagot ni Buboy.
“Kaya ito pong ginagawa ko ngayon, para rin sa mga supporters nila. Support ko po para sa future ng ating bansa. Bahala po ang iba kung ano ang gusto nilang gawin, basta ako, suporta po lamang.”
May coming new teleserye si Buboy sa GMA-7, ang False Positive, na kasama niya sina Glaiza de Castro, Xian Lim at Herlene Budol. Papalitan nila ang Widows’ Web, simula sa Monday, May 2.
(NORA V. CALDERON)
-
Pondo ng NTF-ELCAC gawin na lang ayuda
Matapos ang red-tagging sa mga organizer ng community pantry, nais ng ilang senador na tanggalan ng pondo ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC). Sa tweet ni Sen. Joel Villanueva, sinabi niya na ang kasalukuyang P19 bilyon budget ng NTF-ELCAC sa susunod na budget ay ilaan para sa ayuda, habang […]
-
Kaso ng COVID-19 bahagyang tumataas – OCTA
NAITALA ang bahagyang pagtaas sa kaso ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR) at ilan pang lugar sa bansa, ayon sa OCTA Research. Sa Laging Handa online public briefing, sinabi ni Dr. Butch Ong ng OCTA Research na nasa .7 o .71 ang reproduction number ng COVID-19 na medyo tumaas pero hindi pa […]
-
Pagtigil sa produksyon ng National ID cards, dahil sa terminasyon ng kontrata
ITINIGIL muna ang produksyon ng National ID cards matapos ang terminasyon ng isa sa mga kontrata sa ilalim ng programa. Ito ang sinabi ng AllCard Inc. (ACI) subalit iginiit na hindi ito ang dahilan ng pagkaantala. Kinumpirma ni ACI President Roy Ebora na ang printing ng ID cards ay itinigil mula […]