• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

WALANG PANGIL SA POGO

PATULOY ang panawagan para sa mas malalim na imbestigasyon at mas mabigat na parusa sa mga pasaway na dayuhan na nakapasok sa bansa sa pamamagitan ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs).

 

Una nang nabulgar na may mga Chinese na nagpapakilala pang mga Filipino sa pamamagitan ng pekeng birth certificates at passports na kasama sa ‘package’ na iniaalok ng mga tour operator na kasabwat naman ng mga tiwaling tauhan ng Bureau of Immigration. Ito ‘yung Pastillas Scheme.

 

Sa halagang sampung libong piso, makapapasok at makapagtatago na sa Pilipinas ang mga pasaway na dayuhan. Kung ilan sila, hindi pa masabi pero, dapat na silang tugisin nang hindi na makagawa ng panibagong problema.
At sa tagal na ng problemang ito, hindi na mapigilan ang iba sa ating mga kababayan na magtanong, “Malambot ba ang pangulo pagdating sa mga Intsik?”

 

Kaliwa’t kanan na kasi ang mga kontrobersiyang kinasasangkutan ng mga Chinese na nagtatrabaho sa POGO — money laundering, prostitution den, hindi pagbabayad ng buwis sa pamahalaan at iba pa. Tila hindi sila maubus-ubos at lantaran na ang pambababoy sa ating bayan.

 

Kaya nang sabihin ng kinauukulan na nagsasagawa na ng imbestigasyon sa mga problemang ito, kabilang tayo sa mga umaasa.

 

Sana ay mahuli na ang lahat ng sangkot sa ilegal, matigil na ang mga modus at mapag-aralang mabuti kung tayo ba ay nakikinabang sa POGO o dagdag-perhuwisyo lang ito.

Other News
  • LeBron unang may edad na NBA player na nagbuhos ng 43-pts at 14 rebounds sa panalo ng Lakers

    Buwena mano sa kanyang selebrasyon ng ika-37 kaarawan, muling nagpakitang gilas sa kanyang performance ang superstar na si LeBron James upang bitbitin sa panalo ang Los Angeles Lakers laban sa Portland Trail Blazers, 139-106.     Nagbuhos si LeBron ng season-high na 43 points at 14 rebounds para sa kanilang ika-18 panalo.     Batay […]

  • LeBron James at tennis star Osaka naglunsad ng sariling media company

    NAGSAMA si Japanese tennis player Naomi Osaka at NBA star LeBron James para ilunsad ang bagong media company.     Tinawag nila itong “Huma Kuma” o ibig sabihin ay “Flower Bear” na gagawa ng mga kuwento tungkol sa kultura pero mayroong malaking epekto sa lahat.     Ayon kay four-times Grand Slam champion na si […]

  • Dahil sa kakaibang husay sa pag-arte… ROYCE, umani ng mga papuri mula sa veteran cast ng ‘Makiling’

    MULA nang magsimula noong 2024 bilang opening salvo ng GMA Public Affairs, ang revenge drama na ‘Makiling’ ay nabighani ng mga manonood sa bawat episode, at sa mga teaser nito na nakakuha ng milyun-milyong view online.     Ang lead actress nito, Sultry Leading Lady Elle Villanueva, ay binihag ang madla sa kanyang kagandahan at […]