• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Walang Pinoy ang nasaktan sa tumamang lindol sa Taiwan- MECO

WALANG mamamayang Filipino ng napaulat na nasaktan o kabilang sa nasawi kasunod ng malakas na lindol na tumama sa Taiwan, Miyerkules ng umaga.

 

 

Sinabi ng Manila Economic and Cultural Office (MECO) na ang lahat ng mga Filipino at overseas Filipino workers sa isla ay “all accounted for and safe”.

 

 

“We are thankful that we have not received reports of any of our kababayans being hurt or badly affected by the powerful earthquake that hit Taiwan this morning,” ayon kay MECO Chairperson Silvestre Bello III.

 

 

“Based on our monitoring in Taipei and the reports from our field offices in Taichung and Kaohsiung, and the reports coming from our Filipino communities in Taiwan, there are no Filipino casualties or injuries in the aftermath of the earthquake and the aftershocks,” dagdag na wika nito.

 

 

Tinatayang may mahigit na 60,000 Filipino ang nagtatrabaho sa Taiwan, base sa pinakabagong data mula sa Department of Migrant Workers (DMW).

 

 

Nauna rito, iniulat ng Department of Foreign Affairs at Department of Migrant Workers na walang napaulat sa ngayon na mga Pilipino na nasugatan sa tumamang malakas na lindol sa Taiwan base sa isinagawang initial assessment.

 

 

Sa kabila nito mayroon ng inilatag na preemptive protocols para masiguro ang kaligtasan ng lahat ng mga Pilipinong nasa Taiwan.

 

 

Ayon kay Foreign Affairs USec. Eduardo de Vega, ipinaalam sa kaniya ni Department of Migrant Workers (DMW) Officer in Charge Hans Cacdac na mayroong isang gusali sa Hualien ang matinding napinsala at mayroong reports din na maraming nasira na mga istruktura matapos ang tumamang malakas na lindol.

 

 

Base sa report mula kay Cacdac at labor attaché ng PH sa Taiwan, walang naiulat ang Filipino community sa Hualien na nasugatan sa ngayon.

 

 

Patuloy namang kinokontak ng mga opisyal ang mga Filipino community sa lugar para matiyak na sila ay nasa ligtas na kalagayan.

 

 

Una na ring sinabi ng DMW na aktibo itong nakabantay sa sitwasyon ng OFWs sa Taiwan matapos ang lindol na tumama sa island state. (Daris Jose)

Other News
  • Mga minero ng iligal na “escombro”, huli ng BENRO, Marilao Police at 4th Maneuver Platoon

    LUNGSOD NG MALOLOS – Sa pinagsanib na pwersa ng Bulacan Environment and Natural Resources Office (BENRO), Marilao Police Station at 4th Maneuver Platoon, 1st Provincial Mobile Force Company, siyam na iligal ng mga minero ang inaresto matapos silang maaktuhan na nagmimina ng mineral na ‘escombro’ sa Sitio Batia, Brgy. Lambakin, Marilao noong Miyerkules, October 12, […]

  • Fil-Am actor Jacob Batalon has a special greeting for Pinoys as he invites fans to watch the new thriller “Tarot”

    Filipino-American Jacob Batalon (Spider-Man: Homecoming, Spider-Man: Far From Home, Spider-Man: No Way Home) delves into horror as he tries to escape his deadly fate in Tarot. In anticipation of the frightening new film, Batalon invites fans in the Philippines to see Tarot as it haunts Philippine cinemas on May 1. Watch Jacob’s shout out here: […]

  • ‘Balik Probinsya’ ipinakilala ang bagong website, application process

    INANUNSYO ng Balik Probinsya, Bagong Pag-Asa (BP2) program na opisyal na papalitan na nito ang kanyang website sa  www.balikprobinsya.nha.gov.ph simula Abril 22, kung saan ay hindi na magiging available ang kasalukuyang  www.balikprobinsya.ph     Sa ilalim ng bagong sistema, mapabibilis ng gobyerno ang aplikasyon para sa BP2 program sa tatlong paraan: “through the applicants’ respective […]