Walang preno ang mga rebelasyon kay Korina… Chair LALA, nagselos noon kay CIARA at gusto ring mag-artista
- Published on July 30, 2024
- by @peoplesbalita
RAIN or shine, tuloy-tuloy ang umaatikabong chikahan with Korina Sanchez-Roxas sa newest episode ng ‘Korina Interviews’ na pinalabas last Sunday, July 28.
Naka-one-on-one ng acclaimed broadcast journalist ang MTRCB Chairperson na si Lala Sotto sa isang in-depth interview about her life and career.
Wala ngang preno si Chair Lala sa kanyang mga rebelasyon.
True or false? Hindi nga ba normal ang kanyang childhood?
Nagselos nga ba siya kay Ciara Sotto? Sinagot ito ni Lala, na aminadong mommy’s girl.
At how true na madalas silang tumakas ni Ciara before? Saan naman sila nagpupunta?
Inamin din ni Lala na noong bata ay ginusto rin niyang mag-showbiz, pero naiba dahil parang alam na niya na pulitika ang landas na kanyang tatahakin.
“As a little girl, I wanted to be artista, pero nawala, growing up. Biglang High School, gusto ko na talaga ng politics. As in set ako, gusto ko politics,” kuwento niya.
Dagdag pa niya, “I was eleven my dad (Tito Sotto) was Vice Mayor of Quezon City. So, Senator siya when I was in High School.”
At ngayong MTRCB Chairperson na siya, she’s not expecting everyone to like her.
Sinabi niya hindi puwedeng mahina ang loob ang mamumuno sa MTRCB. Nagulat din siya nang ma-appoint bilang chairman.
Handang-handa rin daw siya sa posisyon, lalo na pampa-bash dahil hindi naman lahat at mag-a-agree sa kanilang desisyon.
Pero ultimately, isang Mamshie itong si Lala! At sa unang pagkakataon, she talk about being a mom plus may bonus pang words of wisdom!
Pinatikim din niya kay Korina ang favorite niya na kare-kare at gourmet tuyo, na kanyang niluto.
Na-enjoy namin ang chikahan ito sa ‘Korina Interviews’ kaya panoorin ang kabuuan sa YouTube channel ng NET25.
(ROHN ROMULO)
Other News
-
Pebrero 9, idineklarang special non-working day para sa Chinese New Year
IDINEKLARA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na isang special non-working day sa buong bansa ang Pebrero 9, 2024 bilang pagdiriwang ng Chinese New Year. Tinintahan ni Pangulong Marcos ang Proclamation 453 nito lamang Enero 18, nagdedeklara ng nationwide holiday para mabigyan ng pagakakataon ang mga Filipino na ipagdiwang ang Chinese New Year […]
-
Rookie card ni Serena Williams naibenta sa mahigit P2.2-M
Naibenta sa auction sa halagang $44,280 o mahigit P2.2-M ang autographed 2003 rookie card ni tennis star Serena Williams. Ayon sa Goldin Auctions na ito na ang maituturing na pinakamahal na sports card ng isang babaeng atleta na naibenta. Una kasing naitala ang rookie card ni dating US soccer player Mia […]
-
Ads April 17, 2024