‘Walang sabotahe sa pagbagsak ng PNP chopper’ – Gen. Gamboa
- Published on March 10, 2020
- by @peoplesbalita
PINAWI ni PNP chief Gen. Archie Francisco Gamboa ang haka-haka na sabotahe o sinadya ang nangyaring pagbagsak ng Bell 429 chopper noong Huwebes kung saan sakay si Gamboa at ang pito pang opisyal ng PNP.
Ayon kay Gamboa na hindi siya naniniwala na may nagsabotahe sa insidente at walang matinong tao na gagawa ng pananabotahe.
Para kay PNP chief aksidente ang nangyari.
Pero hiling ni Gamboa na hintayin na lamang ang resulta ng imbestigasyon ng SITG Bell 429 sa pamumuno ni Lt Gen. Guillermo Eleazar.
Hindi pa siya nagbibigay ng opisyal na pahayag sa SITG.
Lahat ng sakay sa chopper ay kukuhanan ng pahayag.
Nasa maayos na kalagayan na ang mga ito habang naka-confine pa ang dalawang piloto at isang crew.
Bumubuti na rin ang kondisyon nina Maj. Gen. Jovic Ramos at May. Gen. Mariel Magaway na nasa ICU ng Asian Hospital.
-
NCAP: Magandang konsepto subalit kailangan baguhin, dapat repasuhin!
ISANG dating opisyal ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang nagsabing hindi siya ayon sa mga mungkahi na tanggalin ang pagpapatupad ng no-contact apprehension policy (NCAP) sa mga pangunahin lansangan sa Metro Manila. Ang bagong elected na Rizal Rep. Jojo Garcia at dating MMDA general manager ang hindi sumasangayon na alisin ang NCAP […]
-
Paglalaro ng basketball, pinayagan ng mga Metro Manila mayors – MMDA
Napagkasunduan ng mga Metro Manila mayors na payagan ang basketball games sa National Capital Regions (NCR) para sa mga fully vaccinated individuals. Nilinaw naman ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos na depende sa mga manlalaro kung magsusuot ito ng face mask o hindi habang naglalaro. Paglilinaw ni Abalos […]
-
PNP at DTI, inatasan ni PBBM na tumulong para mapababa ang presyo ng mga pagkain
INATASAN ni PANGULONG Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga ahensya ng gobyerno na lutasin ang mga logistical challenges na kinakaharap ng mga transporter at cargo forwarders ng mga produktong pang-agrikultura para mapababa ang presyo ng mga bilihin sa pagkain. Inilabas ng Chief Executive ang direktiba sa Department of Trade and Industry (DTI) at […]