• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Walang taas pasahe at pagkawala ng kabuyan dahil sa consolidation

ITO ang nilinaw ng pamahalaan na kahit na kalahati lamang ng mga public utility jeepneys (PUJs) sa Metro Manila ang nag consolidate ay hindi mangyayari ang pagtataas ng pamasahe at hindi mawawalan ng kabuhayan ang mga drivers at operators matapos ang binigay na deadline noong Dec. 31, 2023.

 

 

 

Sa National Capital Region (NCR) ay may 21,655 o 51.34 porsiento ng PUJs ang sumailalim sa consolidation bago mag deadline. Habang may 1,400 o 59.33 porsiento ng UV Express ang nagkaron ng consolidation.

 

 

 

Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), ang buong bansa ay may naitalang 111,581 units o 73.95 porsiento at 15,844 o 82.03 porsiento ang nakapag consolidate na PUJs at UV Express, respectively.

 

 

 

Dahil dito ay may mga libong-libong PUVs ang mawawalan ng karapatan na magkaron ng operasyon dahil sa kabiguan na mag consolidate ng kanilang units bilang kooperatiba o korporasyon.

 

 

 

Hindi nakikita ng pamahalaan na mawawalan ng trabaho at kabuhayan ang mga drivers na maapektuhan dahil ang mga ito ay kukunin ng kooperatiba o korporasyon na itatayo mula sa consolidation.

 

 

 

Sinabi ni Office of Transportation Cooperatives chairman Ferdinand Ortega na ang mga drivers ng mga operators na hindi nagconsolidate ay madaling makukuha ng mga kooperatiba at korporasyon sapagkat ang mga ito ang magkakaron ng operasyon sa mga rutang hindi sumailalim sa consolidation.

 

 

 

Ang mga operators na nabigong magconsolidate ay binigyan lamang hanggang Jan. 31, 2024 ng LTFRB na magkaron ng operasyon sa mga selected na ruta at pagkatapos nito ay sisimulan na ang proseso upang kanselahin ang mga prangkisa ng hindi sumali sa consolidation.

 

 

 

Pinasungalingan din ng Department of Transportation (DOTr) na magkakaron ng pagtataas ng pamasahe dahil sa PUV Modernization Program.

 

 

 

“Paying the bank loans used to acquire the modern PUVs will be the obligation of the cooperative, not by individual drivers who are members of the cooperative. Loan payments will not determine increases in fares, which is approved exclusively by the LTFRB primarily due to increases in fuel prices. Other considerations for fare increases include effect of economy and affordability of commuters,” wika ng DOTr.

 

 

 

Pinasungalingan din ng pamahalaan ang mga walang katotohanan na paninira laban sa programa na kinakalat ng mga grupong minority kung saan ito ay nagbibigay ng takot sa mga pasahero at drivers.

 

 

 

“There are attempts by the minority opposed to the PUVMP to continue to be relevant despite government’s intent to finally implement the long-delayed program for the benefit of commuters and drivers/operators,” saad ng DOTr.

 

 

 

Sa isang balita ay sinabi ng IBON Foundation na ang pamasahe sa PUJs ay maaaring umabot hanggang P50 sa loob ng limang (5) taon dahil sa programa habang ang mga kooperatiba at korporasyon ay nagbabayad ng kanilang loans at ng magkaron din ng profit.

 

 

 

Ang ibang organisasyon naman tulad ng Bayan, Anakbayan at PISTON ang nagbigay ng babala sa publiko na ang consolidation ay magsusulong upang magkaron ng “imminent transport crisis” na pinabulaanan din ng pamahalaan.

 

 

 

Nang nakaraan taon, ang PISTON at Manibela ay nagaklas laban sa programang consolidation kung saan sila ay nag welga ng ilang araw. LASACMAR

Other News
  • Pangakong gagawing world class ang AFP muling iginiit ni PBBM

    MULING inulit ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang kanyang pangako na gagawing modernisado ang Armed Forces of the Philippines (AFP) hanggang sa Ito’y maging world-class’.       “Be assured that this Administration remains committed to transforming our AFP into a world-class force that is a source of national pride and national security,” ang sinabi […]

  • Pres. Duterte ipinagdasal ang bansa sa nararanasan COVID-19 crisis

    Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagdarasal para sa paggaling ng bansa laban sa COVID-19.     Sa kaniyang mensahe sa interfaith prayer meeting na inorganisa ng Office of the Presidential Adviser for Religiuos Affairs (OPARA) at ilang religious groups nanawagan ang pangulo sa mga Filipino na magdasal para gumaling.     Nanawagan ito sa […]

  • Maraming natutunan at nami-miss na ang pamilya: JOAO, ‘di napigilang umiyak nang mapag-usapan ang ‘Father’s Day’

    HINDI napigilang umiyak ni Joao Constancia nang matanong ang cast ng “Padyak Princess” tungkol sa mga life lessons na natutunan sa kanilang tatay, dahil sa selebrasyon ng Father’s Day sa June 16.       Naging emosyonal nga si Joao na isa sa leading man ni Miles Ocampo sa morning series ng TV5 at APT […]