• March 29, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Walk-in office ng DFA mananatiling sarado hanggang sa katapusan ng Abril

Mananatiling sarado ang walk-in office para sa referrals ng assistance-to-nationals (ATN) cases sa Department of Foreign Affairs (DFA) Office of the Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs (DFA OUMWA) hanggang Abril 30.

 

 

Sa isang abiso, inihayag ng DFA ang pansamantalang suspensyon sa kanilang operasyon matapos ang pagpapatupad ng modified enhanced community quarantine (MECQ) sa National Capital Region at mga probinsya ng Bulacan, Cavite, Rizal at Laguna.

 

 

Ang hakbang na ito ay ginawa para mabigyan ng pagkakataon ang ilang kawani ng ahensya na nagpositibo sa COVID-19 na mag-isolate at mag work-from-home, at para na rin maiwasan ng DFA ang panibagong wave ng COVID-19 infections.

 

 

Matatagpuan sa Roberts Street, DFA Main Building sa Pasay City ang walk-in office para sa referrals ng ATN cases sa DFA OUMWA.

 

 

Habang nakasara ang opisina, maaari pa ring ilapit ang mga ATN concers sa pamamagitan ng kanilang hotline na 0999 980 2515.

 

 

Layunin ng ATN office na tulungan ang mga Pilipino sa buong mundo na nahihirapan. Kasama na rito ang pagtulong sa paghahanda ng temporary travel documents, provision ng assistance sa social welfare at medical-related cases, criminal cases, immigration-related cases, paghahanap sa kinaroroonan ng mga nawawalang Pilipino sa ibang bansa at pag-agapay sa kanilang mga pamilya na maghain ng kaso sa korte. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • COVID-19 allowance ng health workers, tuloy – PBBM

    PATULOY  na tatanggap ng COVID-19 allowance ang mga health workers kahit matapos na ang state of calamity sa bansa dahil sa pandemya, base sa kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.     Nag-expire ang state of calamity noong ­Disyembre 31, 2022.     “Tuluy-tuloy ‘yan… ‘Yung inaalala ko dati na hindi matutuloy ang compensation para […]

  • Actor-singer na si ROMANO, pumanaw na sa edad na 51; wala pang impormasyon sa cause of death

    PUMANAW na ang actor-singer na si Romano Vasquez sa edad na 51 noong January 23.     Nakilala si Romano dahil sa pagiging regular ito noon sa programang That’s Entertainment noong early ‘90s.     Singer din si Romano at naging bahagi siya ng singing trio na Quamo. Naging hit ang 1997 single nila na […]

  • Estudyante, ginang sugatan sa shotgun sa Navotas

    SUGATAN ang isang estudyante at 35-anyos na ginang matapos masapul ng ligaw na bala nang walang habas na paputukan ng shotgun ng isang fish porter ang kanyang mga kainiuman sa Navotas City.     Ginagamot sa Tondo Medical Center sanhi ng tinamong tama ng bala sa kanilang katawan ang mga biktimang sina Erabel Esgana, merchandiser at […]