• June 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Walk-in office ng DFA mananatiling sarado hanggang sa katapusan ng Abril

Mananatiling sarado ang walk-in office para sa referrals ng assistance-to-nationals (ATN) cases sa Department of Foreign Affairs (DFA) Office of the Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs (DFA OUMWA) hanggang Abril 30.

 

 

Sa isang abiso, inihayag ng DFA ang pansamantalang suspensyon sa kanilang operasyon matapos ang pagpapatupad ng modified enhanced community quarantine (MECQ) sa National Capital Region at mga probinsya ng Bulacan, Cavite, Rizal at Laguna.

 

 

Ang hakbang na ito ay ginawa para mabigyan ng pagkakataon ang ilang kawani ng ahensya na nagpositibo sa COVID-19 na mag-isolate at mag work-from-home, at para na rin maiwasan ng DFA ang panibagong wave ng COVID-19 infections.

 

 

Matatagpuan sa Roberts Street, DFA Main Building sa Pasay City ang walk-in office para sa referrals ng ATN cases sa DFA OUMWA.

 

 

Habang nakasara ang opisina, maaari pa ring ilapit ang mga ATN concers sa pamamagitan ng kanilang hotline na 0999 980 2515.

 

 

Layunin ng ATN office na tulungan ang mga Pilipino sa buong mundo na nahihirapan. Kasama na rito ang pagtulong sa paghahanda ng temporary travel documents, provision ng assistance sa social welfare at medical-related cases, criminal cases, immigration-related cases, paghahanap sa kinaroroonan ng mga nawawalang Pilipino sa ibang bansa at pag-agapay sa kanilang mga pamilya na maghain ng kaso sa korte. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • KIM, posibleng makalaban ni SHARON sa pagka-Best Actress sa next awards season ayon sa netizens

    ANG Halloween presentation ng Reality Multi Media Studios at Viva Films na Sa Haba ng Gabi ang pangatlong pelikula nina Jerald Napoles at Kim Molina para sa 2021.   Ibang-iba nga ito sa Ang Babaeng Walang Pakiramdam at Ikaw at Ako at ang Ending.     Ang multi-awarded director na si Erik Matti ang producer at si Miko Livelo […]

  • Posibleng pagtaas sa kaso ng COVID 19, maaaring maganap anumang araw

    ANUMANG araw ay posibleng magsimula ng tumaas muli ang kaso ng COVID 19 sa bansa.     Ayon kay Dr. Guido David ng OCTA Research sa Laging Handa Public briefing na kanilang ibinase ang kanilang projection sa pagkakahalintulad ng characteristics ng Pilipinas sa South Africa at New Dehli sa India na ngayoy inaatake naman ng […]

  • 1,391 motorista namultahan sa paggamit ng motorcycle lane sa Commonwealth Avenue; LTO on red alert

    MAY mahigit na isang libong motorista ang namultahan dahil sa paggamit ng motorcycle lane sa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa Quezon City.   Sa isang ulat na nilabas ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) may kabuohang 1,391 na motorista ang nabigyan ng citation tickets dahlia sa paglabag sa motorcycle land policy.   Binigyan ng MMDA […]