• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Walk-in vaccination inilunsad sa Navotas

Inaprubahan ng Pamahalaang Lokal ng Navotas ang walk-in vaccination para mapabilis ang pagbibigay ng Coronavirus Disease vaccine.

 

 

Inanunsyo ni Navotas City Mayor Toby Tiangco na ang mga residente na may edad na 18 hanggang 59 na may comorbidities ay maaari sa walk in vaccination sa Kaunlaran High School.

 

 

“We did a trial yesterday and we were able to inoculate 244 of the 300 target vaccinees. We were glad of this turnout and decided to implement the system in three other vaccination sites”, ani Mayor Tiangco.

 

 

Sinabi naman ni Tiangco na nakatanggap ng mga mensahe ang kanilang tanggapan mula sa mga residente na gustong-gusto ng mabakunahan subalit wala pang mga natatanggap na schedule.

 

 

“By offering a walk-in system, those eligible and interested could avail of the vaccine at the soonest and as of now, we have four vaccination sites. Three can accommodate 300 scheduled vaccinees and 150 walk-ins. One is solely for 300 walk-ins”, dagdag pa ng alkalde.

 

 

Hinikayat naman ni Tiangco na ang may gusto na makatanggap ng bakuna ay kailangan magparehistro sa https://covax.navotas.gov.ph/.

 

 

“We can accept only those listed in our NavoBakuna COVID-19 vaccination program. This is why we always remind the public to have themselves registered, including all their family members aged 18 and above”, paliwanag ni Tiangco. (Richard Mesa)

Other News
  • Pagganap bilang isang mapanlinlang na pari, pinaghandaan… JOSEF, pinatutunayan na karapat-dapat na maging Vivamax Leading Man

    ISA na namang Vivamax Original Movie mula kay Direk GB Sampedro ang muling maninindak simula ngayong August 5, 2022, ang ‘Purificacion’ na isang sexy thriller.   Pinagbibidahan ito nina Cara Gonzales at Josef Elizalde.   Isa sa Vivamax favorite si Cara, na nakipagsabayan sa pag-arte nina Kylie Verzosa at Zanjoe Marudo sa ‘Ikaw Lang ang […]

  • Ads June 2, 2021

  • Apektado ng inflation ang budget ng mga mahihirap kontra Covid-19

    Nangangamba si House Deputy Speaker at Bagong Henerasyon Party-list Rep. Bernadette Herrera na hihina ang panlaban kontra COVID-19 ng mga mahihirap dahil sa pagtaas ng mga presyo ng baboy, gulay at manok.     Ipinaaalala rin ng mambabatas sa DOH at DSWD na kailangang tuparin ng pamahalaan ang pangako nitong pamamahagi ng libreng face masks […]