• December 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Wallet na may laman shabu, napulot ng sekyu ng mall, may-ari timbog

BINITBIT sa kulungan ang isang binata matapos balikan ang kanyang wallet na may lamang shabu nang mapulot ng security guard ng mall sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

Mahaharap ang naarestong suspek na si alyas Dale, 19, ng Brgy. Longos sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.
Sa report ni PSSg Jerry Basungit kay Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan, habang nagsasagawa ng routine patrol ang security guard ng Fisher Mall Malabon sa Brgy. Longos na si Elmer Looc Jr nang makita nito sa first floor ng mall ang isang wallet dakong alas-10:40 ng gabi.
Nang kanyang buksan para maghanap ng identification card ng may-ari nito ay nakita niya sa loob ang dalawang transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu at isang glass tube na may laman sunog na marijuana kaya agad ipinaalam ng sekyu sa kanyang commander.
Habang hinihintay ang kanyang commander ay isang lalaki ang lumapit sa kanya at nagpakilala na siya ang may-ari ng naturang wallet kaya sinabihan siya ni Looc na hintayin na lamang nito ang commander niya.
Nang dumating ang security guard na si Danilo Baysa Jr, detachment commander, sinuri nito ang naturang wallet sa harap ng suspek kung saan nakita nila sa loob nito ang nasabing droga at glass tube.
Inaresto nila ang suspek at dinala sa Malabon Police Sub-Station (SS5), kasama ang nasamsam na hinihinalang shabu na nasa 2.82 grams na nagkakahalaga ng P19, 176.00 at glass tube. (Richard Mesa)

 

Other News
  • PNP, 3 buwan ang deadline para sa pagsusumite ng listahan kay PBBM ng mga nagbitiw na police execs

    TATLONG buwan ang ibinigay ng Philippine National Police (PNP) na deadline nito para magsumite kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng pinal na listahan ng courtesy resignation ng mga police officials.     Sinabi ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos Jr., na may 118 courtesy resignation na ang sinala ng PNP. […]

  • Negosyante, 3 pa, timbog sa P 180K marijuana

    ARESTADO ang apat kabilang ang isang negosyante matapos makuhanan ng nasa P180K halaga ng marijuana nang inguso sa mga pulis ng concerned citizen ang kanilang iligal na gawain sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.   Kinilala ng bagong hepe ng Caloocan City Police na si P/Col. Dario Menor ang mga naarestong suspek na si Paul […]

  • Multi-Specialty Hospital, itatayo sa Clark, Pampanga

    SISIMULAN na  ngayong buwan ang pagtatayo ng bagong medical specialty center na magsisilbi sa Central at Northern Luzon.     Inanunsyo ni Health Secretary Teodoro Herbosa na handa na ang groundbreaking para sa itatayong Clark Multi-Specialty Hospital sa darating na Hulyo 17.     Ang nasabing ospital ay itatayo sa ilalim ng Executive Order No. […]