• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Wanted na rapist, nalambat sa manhunt ops sa Navotas

LAGLAG sa selda ang isang kelot na wanted sa kaso ng panggagahasa matapos mabingwit ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa Navotas City.

 

 

Ayon kay Navotas police chief P/Col. Mario Cortes, nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) na naispatan sa Brgy. Bangkulasi ang presensya ng 30-anyos na akusadong kabilang sa mga most wanted person ng lungsod.

 

 

Agad bumuo ng team ang WSS saka ikinasa ang manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado dakong 5:30 ng hapon sa Along Galicia Extension St. Brgy. Bangkulasi.

 

 

Ani Col. Cortes, ang akusado ay dinakip ng kanyang mga tauhan sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Cecilia Bunagan Parallag ng Regional Trial Court (RTC) Branch 9 FC, Navotas City, na petsang May 4, 2022, para sa kasong Rape.

 

 

Pansamantalang nakapiit ang akusado sa custodial facility unit ng Navotas City Police habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte para sa paglilipat sa kanya sa City Jail.

 

 

Pinuri naman ni NPD Director P/BGen. Rizalito Gapas si Col. Cortes at ang kanyang mga tauhan sa kanilang pagsisikap na tugisin ang mga taong wanted na pinaghahanap batas na nagresulta sa pagkakatimbog sa akusado. (Richard Mesa)

Other News
  • Karagdagan 3 istasyon ng LRT 2 pinag-aaralan

    MATATAPOS  na ang feasibility study na ginagawa ng Light Rail Transit Authority (LRTA) para sa pagdadagdag ng 3 istasyon sa Light Rail Transit Line 2 East Extension.       Ginawa ang pag-aaral upang maraming pasahero ang mabigyan ng serbisyo at nang mabawasan ang passenger volume na dumarami sa final stop ng Masinag,  Antipolo.   […]

  • Mahigit 820 patuloy pa ring nananatili sa mga evacuation center

    NANANATILI pa ring tumutuloy sa iba’t ibang evacu- ation centers sa bansa ang nasa 207, 518 pamilya o katumbas ng 820, 030 indibidwal mula sa Regions 2, 3, Calabarzon, Mimaropa, Region 5, Cordillera Administrative Region at National Capital Region.   Sa Laging handa public press briefing, sinabi ni Department of Social Welfare and Development Sec […]

  • DOTr nag award ng tatlong contracts para sa PNR Phase 2 Project

    NAG-AWARD ng tatlong natitira pa na contracts para sa civil works ang Department of Transportation (DOTr) at Philippine National Railways (PNR) na laan sa Clark Phase 2 project o ang Malolos- Clark extension ng North-South Commuter Railway System.   Ang tatlong (3) contract packages ang siyang nagkumpleto sa limang (5) civil works packages ng PNR […]