Wanted sa kasong rape sa Masbate, natimbog sa Malabon
- Published on February 26, 2021
- by @peoplesbalita
Nasakote ng mga operatiba ng Malabon police ang isang most wanted person sa probinsya ng Masbate dahil sa kasong four counts of rape sa isang follow-up operation sa Malabon City.
Kinilala ni Malabon polioce chief Col. Angela Rejano ang naarestong suspek na si Geraldo Magbanwa, Jr., 21, factory worker at residente Barangay Ubo, Balod Masbate city.
Si Magbanwa ay naaresto ng pinagsamang mga tauhan ng Malabon Police Sub Station-5 at Warrant and Subpoena Section dakong 10 ng umaga sa Blk 13 Lot 5 Paros St. Brgy. Longos, ng lungsod sa bisa ng arrest warrant para sa kasong four counts of rape na inisyu ni Masbate City Regional Trial Court (RTC) Judge Ave Zurbito-Alba of Branch 48 Family Court.
Ayon kina SS5 chief P/Maj. Venchito Cerillo at Warrant and Subpoena Section head P/Capt. Ferdinand Espiritu, si Magbanwa ay listed No. 9 sa top 10 Most Wanted Person sa probinsya ng Masbate.
Sa panayam, itinanggi ng suspek ang akusasyon sa kanya at sinabi nito na siya at ang biktima na edad 16-anyos nung nangyari umano ang panggagahasa noong 2019 ay magkasintahan.
Nagpasya umano siyang tumakas mula sa kanilang probinsya at nanirahan sa Brgy. Longos, Malabon matapos magsampa ng reklamo laban sa kanya ang mga magulang ng kanyang girlfriend na tutol umano sa kanilang relasyon sa pamamagitan umano ng pagpuwersa sa kanyang kasintahan na sumailalim sa medical examination. (Richard Mesa)
-
Perez pambulaga ng SMB bilang panimula, kapalitan
INAARAL pa ni Leovino ‘Leo’ Austria ang magiging papel ni Christian Jaymar ‘CJ’ Perez sa San Miguel Beer kung starter, o off the bench para sa pagbubukas ng 46th Philippine Basketball Association (PBA 2021 Philippine Cup. Mababatid ito kapag nakaliskisan na sa ensayo na ang 2018-19 Rookie of the Year, 2018 top rookie […]
-
Ulo gugulong sa SRA sa pag-angkat ng asukal
INIIMBESTIGAHAN na ng Malacañang ang mga opisyal ng Sugar Regulatory Administration matapos maglabas ng hindi awtorisadong resolusyon para mag-import ng 300,000 metriko tonelada ng asukal. Sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na nilagdaan ni Agriculture Undersecretary Leocadio Sebastian ang resolusyon na walang pahintulot ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tumatayo rin bilang kalihim […]
-
METRO MANILA COUNCIL IDINEKLARA ANG STATE OF CALAMITY SA NCR
KINUMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na inirekomenda ni DILG Secretary Benhur Abalos ang pagdedeklara ng State of Calamity sa buong Metro Manila, NCR. Ito ay dahil sa matinding epekto ng super bagyong Carina na pinalakas pa ng hanging Habagat. Ginawa ni Secretary Abalos ang kanyang rekomendasyon sa pulong na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos […]