• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

WANTED SA MURDER CALOOCAN, TIKLO NG NPD SA MALABON

NASAKOTE ng mga tauhan ng Northern Police District (NPD) sa Malabon City ang isang lalaking wanted dahil sa kasong murder sa Caloocan City.

 

 

Kinilala ni District Special Operation Unit (DSOU-NPD) chief PLTCOL Jay Dimaandal ang naarestong akusado na si Randy Deparoco, 44 ng Camia St., Brgy. Panghulo, Malabon City.

 

 

Sa report ni PLTCOL Dimaandal kay NPD Director PBGEN Jose Hidalgo Jr, nakatanggap sila ng impormayson na nakita ang akusado sa Panghulo, Malabon City.

 

 

Bumuo ng team ang DSOU , kasama ang Intelligence Section ng Caloocan police saka isinagawa ang police operation na nagresulta sa pagkakaaresto kay Deparoco dakong alas-4:30 ng hapon sa Camia St., Brgy. Panghulo, Malabon City.

 

 

Ayon kay PLTCOL Dimaandal, si Deparoco na tinaguriang No. 12 most wanted person ng Caloocan police ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu noong October 9, 2009 ni Hon. Judge Dionisio Sison ng RTC Branch 125 Caloocan City para sa kasong Murder na walang inirekomendang piyansa.

 

 

Batay sa record, pinagtulungan pagsasaksakin ng akusado at ni Rodrigo Deparoco si Armadno Delos Santos Jr, na nagresulta ng kamatayan nito noong May 9, 2008 sa Caloocan City.

 

 

Ang matagumpay na pagkakaaresto sa akusado ay sa pamamagitan ng patnubay at matibay na pamumuno ni NPD Director PBGEN Hidalgo Jr, upang maalis ang lahat ng uri ng lawlessness at paigtingin ang manhunt kontra sa Most Wanted Person sa area ng NPD.

 

 

Patuloy naman ang follow-up operation ng pulisya para sa posibleng pagkakaaresto sa isa pang akusado sa naturang kaso na si Rodrigo. (Richard Mesa)

Other News
  • Itinangging hiwalay na sila ni Regine… OGIE, pinayuhan na gayahin si MON na sampolan ang nagkakalat ng ‘fake news’

    NAGING usap-usapan sa social media at maging sa mga taong mahilig sa balitang showbiz na hiwalay raw mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez.       Dagdag pang balita na kapwa inaasikaso na raw ng dalawang Kapamilyang singers ang kanilang divorce paper.       Siyempre nakarating naman ito agad sa kaalaman ni Ogie at […]

  • Anunsyo ni PBBM, wala ng ekstensyon sa deadline ng PUV consolidation

    INANUNSYO ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na wala ng ekstensyon sa aplikasyon para sa consolidation ng indibidwal na public utility vehicle (PUV) operators na bumuo o sumali sa transportation cooperatives.     Matapos ang ilang ekstensyon, nito lamang huling bahagi ng Enero ay itinakda ni Pangulong Marcos ang bagong deadline para sa consolidation sa Abril […]

  • Gaerlan, itinalaga ni PBBM bilang AFP deputy chief of staff

    OPISYAL nang itinalaga ni Pangulong  Ferdinand  Marcos Jr. si Marine commandant Major General Charlton Sean Gaerlan bilang deputy chief of staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP).     Ito ang  pangatlong pinakamataas na opisyal sa militar.     Pormal namang naupo si Gaerlan sa kanyang posisyon sa  AFP general headquarters sa Camp Aguinaldo […]