• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

WANTED SA PANANAKIT SA KA-LIVE-IN NA BUNTIS, ARESTADO SA MALABON

ISANG lalaking wanted dahil sa pananakit sa kanyang walong buwan buntis na live-in partner ang arestado ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

 

 

Ayon kay Malabon police chief P/Col. Albert Barot, si Rickman Serafin, 30 ng Blk 14G, Lot 14, Teacher’s Village, Brgy. Longos ay dinakip dakong alas-9 ng gabi sa loob ng kanyang bahay sa bisa ng warrant of arrest na inisyu noong July 17, 2021 ni Malabon Regional Trial Court (RTC) Judge Catherine Therese Tagle-Salvador ng Branch 73 para sa kasong paglabag sa R.A. 9262 o Violence Against Women and Children’s Act.

 

 

Ani P/SMSgt. Addrich Reagan De Leon, ang kaso ay isinampa ng buntis na live-in partner ni Serafin noong December 2020 matapos siyang bugbugin ng akusado makaraan ang kanilang mainitang pagtatalo dahil umano sa selos at problema sa pera.

 

 

Nang malaman ng tiyahin ng biktima ang insidente, sinamahan nito ang pamangkin para magsampa ng reklamo sa Malabon City Prosecutor’s Office at kalaunan ay iniakyat ang kaso sa Malabon RTC, na naging dahilan upang mag-isyu si Judge Salvador ng arrest warrant kontra sa akusado.

 

 

Matapos makatanggap ng tip mula sa kanyang impormante si WSS chief P/CMSgt. Gilbert Bansil na nagbalik si Serafin sa kanyang bahay sa Brgy. Longos ay agad silang nagsagawa operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado. (Richard Mesa)

Other News
  • PBBM, gustong muling buksan ang kasong estate tax laban sa pamilya Marcos

    NAIS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na muling buksan  ang kaso kaugnay sa sinisingil na estate tax sa pamilya Marcos na noong 1991 ay nagkakahalaga ng mahigit P23 bilyong piso.        “Open the case and let us argue with it. So that all of the things that we should have been able to say […]

  • Beautéderm founder na si RHEA TAN, kokoronahan ang next Ms. Beautéderm sa ‘60th Bb. Pilipinas’

    MATAPOS ang matagumpay na partnership last year, masayang inanunsyo ng Beautéderm founder na si Rhea Tan ang panibagong partnership with Bb. Pilipinas organization.   Proud na sinalubong ni Tan ang official candidates ng Bb. Pilipinas 2024 sa Beautéderm Headquarters nitong Friday, June 14, bilang bahagi ng kanyang adbokasiya na i-guide ang mga kababaihan sa entrepreneurship […]

  • Dating Bamban Mayor Alice Guo, kinasuhan ng misinterpretation

    SINAMPAHAN na ng Commission on Elections (Comelec) ng kasong material misrepresentation sa Regional Trial Court ng Tarlac si dating Bamban Mayor Alice Guo o Hua Ping Lin Guo.   Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, nilabag ni Guo ang Section 74 ng Omnibus Election Code na may kauganyan sa Section 262 ng parehong code . […]