• October 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Warriors, 3-0 na sa preseason games

MULING nagtala ng panalo ang Golden State Warriors sa preseason matapos nitong patumbahin ang karibal na Sacramento Kings, 109 – 106.

 

 

Naging episyente ang Warriors sa kabuuan ng laro gamit ang 48.5 shooting percentage at ipinasok ang 32 shots mula sa 99 attempts.

 

 

Hawak din ng Warriors ang free throw line at nagpasok ng kabuuang 32 shots mula sa 37 attempts. Tanging 21 points lamang ang naging kasagutan ng Kings.

 

 

Sa kabila nito, labis namang pinahirapan ng Kings ang Golden State matapos itong gumawa ng 16 steals na. Dahil dito ay umabot sa 23 ang turnover na nagawa ng Warriors sa kabuuan ng laban.

 

Nanguna sa panalo ng Warriors ang forward na si Moses Moody na kumamada ng 23 points habang 19 points, 7 rebounds naman ang kontribusyon ng kapwa forward na si Jonathan Kuminga.

 

 

Binuhat naman ni De’Aaron Fox ang Kings na nagbulsa ng 19 points at pitong rebounds.

 

 

Sa kasalukuyan, wala pang talo ang Warriors sa loob ng tatlong preseason game habang nananatiling winless naman ang Sacramento.

Other News
  • PH Embassy, tinulungan ang pamilya ng mga Filipinong namatay sa car crash sa NZ

    NANGAKO ang  Philippine Embassy sa Wellington  na magpapaabot ito ng tulong sa pamilya ng mga namatay sa isang aksidente sa kalsada sa Picton, New Zealand nitong Linggo ng umaga.     Sa isang  public post, araw ng Martes,  nagpaabot ng pakikidalamhati at pakikiramay si  Ambassador to New Zealand Jesus Domingo  sa pamilya ng mga biktima. […]

  • Ads January 5, 2023

  • Angara, nangako na aayusin ang sahod, work conditions ng mga guro

    SINABI ni incoming Education Secretary Juan Edgardo Angara na kabilang sa kanyang prayoridad ay ang ayusin ang benepisyo ng mga guro at nangakong itutulak na bigyan ng umento ng sahod ng mga ito.       Tututukan din ni Angara na gawing simple ang curriculum at ayusin ang kalidad ng teaching at working conditions ng […]