Warriors, nalasap ang ika-limang sunod na pagkatalo sa kamay ng Nuggets
- Published on December 6, 2024
- by @peoplesbalita
Nalasap ng Golden State Warriors ang ika-limang sunod na pagkatalo sa kamay ng 2023 NBA champion na Denver Nuggets.
Dahil dito, lalo pang nabaon ang Warriors sa walong pagkatalo matapos simulan ang season sa 12 – 3, at maging pinakamalakas na team sa Western Conference.
Naging mahigpit ang laban sa pagitan ng dalawang koponan. Ilang beses ding hinawakan ng Warriors ang Lead kung saan sa 4 na minuto bago matapos ang laro ay hawak ng GSW ang walong puntos na kalamangan.
Gayonpaman, magkakasunod na ginawaran ng free throw ang Denver at sa loob ng nalalabing apat na minuto ay napagbigyan ang koponan ng walong free throws.
Sa tulong ng magandang opensa at depensa ni 3-time NBA MPV Nikola Jokic ay naungusan ng Denver ang Warriors, 48 secs. bago matapos ang laro.
Hindi na nakabawi ang GS matapos nito, sa kabila ng ilang shots ng GS.
Muling gumawa ng double-double si Jokic sa naging panalo ng Denver – 38 pts, 10 rebs, 8 assts. Nagpasok naman ng 22 points ang forward na si Michael Porter.
Sa Warriors, hindi nagawa ni Stephen Curry na isalba ang kaniyang team sa kabila ng double-double – 24 pts, 11 assts, at 7 rebs. Hindi naman nakapaglaro si Draymond Green sa naturang laro, at pumalit sa kaniya bilang forward si Jonathan Kuminga na tumipa ng 19 pts.
Sa kasalukuyan, hawak ng Nuggets ang 11 – 8 win/loss record.
-
Libreng cremation sa Tugatog Cemetery, binuksan ng Malabon LGU
PINANGUNAHAN ni Mayor Jeannie Sandoval ang muling pagbubukas at pagbabasbas ng Tugatog Public Cemetery upang bigyang-daan ang mga residente na bisitahin ang kanilang mga yumaong kamag-anak sa libingan bilang bahagi ng paggunita ng All Saints Day and All Souls Day o Undas 2024. Nagsagawa ng Banal na Misa ang lokal na pamahalaan para sa […]
-
Fans ni MARIAN, masaya at excited sa balitang magbabalik-TV na dahil inaayos na ang script
MASAYA at na-excite ang mga fans at followers ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa balitang magbabalik-telebisyon na siya. Last week kasi, sinagot ni Marian ang tanong ng isang fan sa kanyang Instagram kung kailan siya muling magkakaroon ng show. “Kailan po kayo ulit magkakaroon ng bagong show, sobra na […]
-
200 PWUD NAGTAPOS SA NAVOTAS REHAB PROGRAM
NASA 219 people who use drugs (PWUDs) ang nakapagtapos mula sa Bidahan, ang community-based treatment at rehabilitation program ng Pamahalaang Lungsod Navotas kung saan 13 ang children in conflict with the law (CICL). Ang dating PWUDs na sumailalim sa anim na buwan online at limited face-to-face counseling ay isinagawa ng Navotas Anti-Drug Abuse Council […]