• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

WASTE SEGREGATION SCHEME, MAHIGPIT NA IPATUTUPAD SA MAYNILA

MAHIGPIT na ipatutupad ng lokal na pamahalaang Lungsod ng Maynila sa pamamagitan ng Department of Public Service (DPS) ang ang pagbubukod ng mga nabubulok at hindi nabubulok na basura na nakapaloob sa ilalim ng umiiral na R.A. 9003 o ang Ecological Solid Waste Management of 2000.

 

 

Ayon kay Kyle Nicole Amurao, Officer-in-Charge (OIC) ng DPS, layon umano nito na maipatupad ang pangarap na magkaroon ng maka-kalikasang komunidad.

 

 

Ayon kay Amurao, ang pinakamahalagang misyon ng DPS ay tiyakin na ang kanilang nasasakupan ay gagawin ang tamang pagsasagawa ng pagbubukod ng basura mula sa pinagkukunan nito upang mapakinabangan ang maaari pang magamit sa iba pang paraan.

 

 

Aniya, kasama nila sa mahigpit na pagpapatupad ng batas ang Divisoria Power Sweeper na nagsisimula umanong magtrabaho upang linisin ang lugar bago mag-alas-3 ng madaling araw, ang mga Estero Rangers na lumulusong sa 31 estero sa Maynila upang hakutin ang lumulutang na basura at ang Manila Bay Mandaragat at Baseco Beach Warriors na naglilinis ng mga baybaying dagat ng Manila Bay.

 

 

“Ang atin pong kagawaran ang siya rin pong nagbibigay-tulong tuwing may hindi inaasahang pangyayari gaya ng kalamidad at sakuna. Kaagapay din po natin mga janitorials, sweepers at utilities sa paglilinis at ang QuickResponse Team na miyembro ng Task Force Against Road Obstruction, na nagsasagawa ng clearing at obstruction operation, mapping at marami pang iba,” ani Amurao.

 

 

Pinuri at pinasalamatan naman ni Mayor Honey Lacuna-Pangan ang mga opisyal at kawani ng DPS na aniya ay hindi pa nga sapat ang 24/7 para sa lahat ng ginagampanan ng kagawaran.

 

 

“Hindi po birong gawin yan, gaya nga po ng sinabi ko sa Konseho ng Maynila, ang DPS po hindi natutulog, araw-araw po naglilinis sila,

 

 

alas-3 pa lang ng madaling araw, nagpapadala na po sila ng larawan sa akin kung papaano nila nililinis ang Divisoria, ‘yung mga Power Street Sweepers natin,” ayon sa alkalde.

 

 

“Kung mapapansin nyo, land, water and air ang sakop ng DPS kaya nga sabi ko, hindi birong gawain kaya saludo po ako sa dedikasyon ninyo,” dagdag pa ni Mayor Lacuna-Pangan. (BISHOP JESUS “JEMBA” BASCO)

Other News
  • BOXING’S OLDEST CHAMPION “BIG GEORGE FOREMAN” IMMORTALIZED ON THE BIG SCREEN ONLY AT AYALA MALLS CINEMAS

    SPORTS and movie fans are about to score an experience of a big win punch exclusive at Ayala Malls Cinemas with the upcoming sports biopic “Big George Foreman” starting on May 10.     Big George Foreman: The Miraculous Story of the Once and Future Heavyweight Champion of the World, directed by George Tillman Jr. […]

  • Ilang bahagi ng Malakanyang, nagkaroon ng bagong bihis

    BAGONG  bihis na ang ilang bahagi ng Palasyo ng Malakanyang matapos na isailalim sa renovation o pagsasa-ayos makaraan ang 4 na dekada.     Sa mahigit na  6 na buwan sa puwesto ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ay nagawa ng administrasyon nito na bigyan ng bagong bihis ang Palasyo ng Malakanyang.     Sa ulat, […]

  • PDU30, inatasan si SolGen Calida na magsumite na ng request letter sa COA para i-audit ang PRC

    INATASAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Solicitor General Jose Calida na kaagad na maghain ng request letter sa Commission on Audit (COA) para agad na masimulan ang pagbulatlat sa financial records ng Philippine Red Cross (PRC).   “The next step would really be the letter to be delivered to the COA by Solicitor General […]