Watanabe, Knott pasok sa Tokyo Olympics
- Published on June 25, 2021
- by @peoplesbalita
Nadagdagan pa ng dalawa ang bilang ng mga atletang isasabak ng Pilipinas sa 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8.
Ito ay matapos makakuha ng Olympic berth sina Fil-Japanese judoka Kiyomi Watanabe at Fil-American trackster Kristina Knott sa pamamagitan ng continental quota at universality slot, ayon sa pagkakasunod.
Ngunit sa araw ng kanyang kumpirmasyon sa 2021 Tokyo Olympics ay nagpositibo si Knott sa coronavirus disease (COVID-19) kahit pa fully-vaccinated na siya sa Amerika.
“Kristina contracted COVID and she was tested positive yesterday hours before her second to the last competition,” ani Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) president Philip Ella Juico.
Ang 25-anyos na si Knott ang nagtakbo sa gold medal ng women’s 200m run at sa 4x100m mixed relay ng 2019 Philippine SEA Games.
Sinira rin ng Fil-Am trackster ang 33-year Philippine national record na 11.28 segundo ni Lydia De Vega sa women’s 100m dash para sa bago niyang 11.27 segundo.
“She is not yet in Japan. This is not the start of the Olympics. She has about a month to recover from this,” dagdag pa ni Juico kay Knott.
Umabot na sa 15 ang lahok ng bansa sa 2021 Tokyo Games para palakasin ang tsansa sa inaasam na kauna-unahang Olympic gold medal.
Ang iba pang qualifiers ay sina golfer Juvic Pagunsan, shooter Jayson Valdez, weightlifters Hidilyn Diaz at Elreen Ando, pole vaulter Ernest John Obiena, skateboarder Margielyn Didal, gymnast Carlos Edriel Yulo, taekwondo jin Kurt Barbosa, rower Cris Nievarez at boxers Eumir Felix Marcial, Irish Magno, Nesthy Petecio at Carlo Paalam.
Nakamit ng 24-anyos na si Watanabe ang kanyang Olympics slot via continental quota sa women’s -63 kilogram division base sa final at official qualification list na inilabas ng International Judo Federation (IJF).
Mabibigyan din ang swimming ng dalawang universality slots para sa Tokyo Olympics sa katauhan nina Jaimie Deiparine at Remedy Rule.
-
Ekonomiya ng Pinas mabagal na lumago sa first quarter, pumalo lang sa 8.2%
PUMALO sa 8.2% sa unang tatlong buwan ng 2022 ang ekonomiya ng Pilipinas. Ayon sa Philippine Statistics Authority, maituturing na milder o mas banayad ito kumpara sa inisyal na 8.3% rate. Ang revision o pagbabago ayon sa PSA ay dahil sa downward adjustments sa mga sumusunod na sektor gaya ng “real […]
-
2 EXTORTIONIST TIMBOG SA ENTRAPMENT OPERATION SA CALOOCAN
TIMBOG sa ikinasang entrapment operation ng pulisya ang dalawang extortionists, kabilang ang isang babae na humihingi ng P5 milyon sa isang customs broker kapalit ng hindi pagsama sa kanyang pangalan mula target na papatayin na mga customs opisyal sa Caloocan City. Ayon kay P/Lt. Col. Jay Dimaandal, hepe ng District Special Operation Unit […]
-
Punum-puno ng confrontation scenes: BEA, masaya na nakabalik sa drama series at muling makatrabaho si DENNIS
PUNUM-PUNO raw ng mga dramatic confrontation scenes ang upcoming series na ‘Love Before Sunrise’ na pagbibidahan nina Kapuso Drama King Dennis Trillo at multi-awarded actress and box office actress Bea Alonzo. Dahil dito, masaya si Bea na makabalik sa genre ng teleserye na kung saan lubos siyang minahal at hinangaan ng maraming mga […]