Watch Technician ginulpi ng rider
- Published on June 2, 2020
- by @peoplesbalita
SA ospital ang bagsak ng 46-anyos na watch technician nang gulpihin ng isang rider na sinaway ng biktima dahil sa pagparada sa no-parking zone sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.
Duguan nang humingi ng tulong at itakbo sa ospital ng mga opisyal at tanod ng barangay si Elmer Sanchez, ng 684 Rizal Avenue Extension, Brgy. 71, ng lungsod.
Nadakip naman ng mga tanod sa follow-up operation ang suspek na si Jason Malabuyo, 39, istambay, ng 27 Kalaanan Compound, Brgy. 86, ng lungsod, habang naglalakad sa Macabagdal Street, alas-11:50 ng Linggo ng gabi.
Sa ulat, nasa shop niya ang biktima alas-2 ng Linggo ng hapon nang maispatan ang suspek na ipaparada ang kanyang motorsiklo sa isang no-parking area sa Macabagdal St. kaya’t pinaalalahanan ni Sanchez si Malabuyo.
Sa halip na magpasalamat ay pinagmumura ng suspek ang biktima bago niromansa ng gulpi.
Kasong attempted homicide at unjust vexation ang isanampa laban sa suspek sa Caloocan City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)
-
“GRAN TURISMO: BASED ON A TRUE STORY” WILL GET YOUR BLOOD PUMPING, SAYS DAVID HARBOUR
DAVID Harbour always knew that director Neill Blomkamp (Elysium, District 9) would bring a genuinely exhilarating feel to Gran Turismo: Based on a True Story. But he didn’t realize how authentic his own experience would be while filming the movie. “I knew Neill would bring a visceral, blood pumping feel to the movie,” says […]
-
Supply ng face shields sa bansa, tiniyak ng Malakanyang
TITIYAKIN ng pamahalaan na may sapat na suplay ng face shields sa buong Pilipinas. Ito’y matapos na gawing mandatory ang pagsusuot ng face shield para sa mga mananakay simula sa Agosto15. Magkatuwang na pangangasiwaan ng Department of Trade and Industry, at Department of Health ang suplay ng face shields sa bansa. “Sisiguraduhin naman po ng […]
-
Mayor Tiangco sa DepEd: Ipasa na ang lahat ng estudyante
NANAWAGAN si Mayor Toby Tiangco sa Department of Education (DepEd) na kung maari automatic ng ipasa ang lahat ng mga estudyante ngayong school year kasunod ng ulat ng sunod-sunod na bagong kaso ng Corona virus disease (COVID19) sa bansa. “Ang Department of Health ay naglabas ng isang update na nagsasaad na mayroon na tayong […]