• December 4, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Watch Technician ginulpi ng rider

SA ospital ang bagsak ng 46-anyos na watch technician nang gulpihin ng isang rider na sinaway ng biktima dahil sa pagparada sa no-parking zone sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.

 

Duguan nang humingi ng tulong at itakbo sa ospital ng mga opisyal at tanod  ng  barangay si Elmer Sanchez, ng  684 Rizal Avenue Extension, Brgy. 71, ng lungsod.

 

Nadakip naman ng mga tanod sa follow-up operation ang suspek na si Jason Malabuyo, 39, istambay, ng 27 Kalaanan Compound,  Brgy. 86, ng lungsod, habang naglalakad sa Macabagdal Street, alas-11:50 ng Linggo ng gabi.

 

Sa ulat, nasa shop niya ang biktima alas-2 ng Linggo ng hapon nang maispatan ang suspek na ipaparada ang kanyang motorsiklo sa isang no-parking area sa Macabagdal St. kaya’t pinaalalahanan ni Sanchez si Malabuyo.

 

Sa halip na magpasalamat ay pinagmumura ng suspek ang biktima bago niromansa ng gulpi.

 

Kasong attempted homicide at unjust vexation ang isanampa laban sa suspek sa Caloocan City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)

Other News
  • Ads August 31, 2022

  • PDu30, inaasahan na magagampanan ni Gen. Cascolan ang 3 task sa panahon ng termino nito

    INAASAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa na magagampanan ni   incoming Philippine National Police chief Police Lieutenant General Camilo Pancratius Cascolan ang tatlong atas sa panahon ng kanyang termino.   Sinabi ni presidential spokesperson Harry Roque na kailangan na panindigan ni Cascolan ang rule of law, alisin ang mga kurakot na pulis at panatilihin ang laban sa […]

  • Weeklong ECQ sa ‘NCR Plus’

    Tiniyak ng pamunuan ng National Task Force Against Covid-19 (Coronavirus Disease 2019) na magiging “compassionate” ang mga otoridad sa pagpapatupad ng curfew sa weeklong enhanced community quarantine (ECQ) sa NCR (National Capital Region) Plus Bubble na magsisimula ngayon, March 29, hanggang sa Easter Sunday, April 4.     Ayon kay National Task Force Against Covid-19 […]