• January 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

WBN Fighter of the Year trophy nakuha na ni Pacquiao

Natanggap na ni eight-division world champion Manny Pacquiao ang Fighter of the Year award nito na iginawad ng World Boxing News (WBN).

 

Ibinigay kay Pacquiao ang naturang parangal matapos ang matagumpay na kampanya nito noong nakaraang taon kung saan dalawang impresibong panalo ang kanyang naitala.

 

Nakuha ni Pacquiao ang unanimous decision win kay Adrien Broner noong Enero sa MGM Grand Garden Arena para mapanatili ang World Boxing Association (regular) welterweight crown.

 

Muling sumalang si Pacquiao noong Hulyo kung saan kinubra nito ang split decision win kontra kay Keith Thurman para maagaw ang WBA (super) welterweight belt sa parehong venue.

 

Ito ang ang naging matibay na batayan ng WBN para ibigay kay Pacquiao ang pinakamataas na parangal para sa taong 2019.

 

Nakapost sa official website ng WBN ang larawan kung saan hawak na ni Pacquiao ang tropeo ng 2019 Fighter of the Year.

 

Naantala ang pagdating nito sa Pilipinas dahil sa epekto ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

 

Ngunit inaasahang magbabalik-aksyon si Pacquiao sa susunod na taon kung saan nakahilera na ang mga boksingerong nais makasagupa ang Pinoy boxing le­gend kabilang na sina Errol Spence, Terence Crawford, Mikey Garcia at Danny Garcia.

 

Pinakamalakas ang tsansa ni Ultimate Fighting Championship superstar Conor McGregor matapos kumpirmahin ng Paradigm Sports Management na ikinakasa na ang laban nito kay Pacquiao.

 

Nauna nang napaulat na target itong ganapin sa Middle East.

 

Subalit nilinaw ni Pacquiao na papayag lamang ito kung magiging co-promoter ang kanyang Pac Sports and Entertainment agency.

Other News
  • 15 countries pasok na sa 2022 World Cup sa Qatar, 17 spots pa ang pinag-aagawan

    NASA 17 spots na lamang ang natitira para makompleto na ang 32 mga bansa na pwedeng lumahok sa prestihiyosong 2022 World Cup na gaganapin sa Nobyembre hanggang Disyembre sa Qatar.     Ito ay makaraang umabot na sa 15 mga national teams ang nag-qualify kabilang na ang host qatar.     Narito ang mga bansang […]

  • Football legend Diego Maradona, nagpositibo sa COVID-19

    NAGPOSITIBO sa coronavirus ang Argentinian football legend na si Diego Maradona.   Kinumpirma ito ng kaniyang abogadong si Matias Morla matapos isagawa ang swab test sa kaniyang bahay.   Nais kasi ng 59-anyos na dating striker na mapanatag ang loob kaya sumailalim ito sa testing.   Itinuturing na greatest foot- ball player of all time […]

  • MPD AT NPC, NAG-USAP

    NAKIPAGDAYALOGO  ang pamunuan ng  Manila Police District (MPD) sa  National Press Club o NPC para na rin sa kaligtasan ng mga mamamahayag alinsunod na rin sa direktiba ni PNP Chief Lt.Gen.Rodolfo Azurin Jr .     Sa kanyang kautusan, inatasan ang mga district director  na magsagawa ng “Dialogue and Threat Assessment on Media Personalities” sa […]