Weeklong ECQ sa ‘NCR Plus’
- Published on March 29, 2021
- by @peoplesbalita
Tiniyak ng pamunuan ng National Task Force Against Covid-19 (Coronavirus Disease 2019) na magiging “compassionate” ang mga otoridad sa pagpapatupad ng curfew sa weeklong enhanced community quarantine (ECQ) sa NCR (National Capital Region) Plus Bubble na magsisimula ngayon, March 29, hanggang sa Easter Sunday, April 4.
Ayon kay National Task Force Against Covid-19 spokesperson ret. M/Gen. Restituto Padilla, bibigyan ng konsiderasyon ang mga indibidwal na pauwi sa kanilang mga bahay subalit mayroon itong “window period” mula alas-7:30 hanggang alas-8:00 ng gabi.
Kung lalagpas na ang mga ito ay maghihigpit na ang mga tauhan ng PNP (Philippine National Police) na siyang nagmamando ng mga checkpoint.
Ang NCR Plus Bubble ay binubuo ng NCR, Cavite, Laguna, Bulacan, at Rizal, na isinailalim sa ECQ para pigilan ang patuloy na pagtaas ng COVID cases.
Dagdag ni Padilla, ang mga 17-anyos pababa at lagpas 65-anyos ay hindi maaaring lumabas sa mga lugar na nasa ilalim ng ECQ.
Habang ang mga essential workers naman ay dapat ipakita ang kanilang company ID at hindi na kailangan pa ng travel pass.
Giit ni Padilla, ang local government ay magpapatupad ng curfew batay sa kanilang local ordinances. (Daris Jose)
-
Meta, pinagpapaliwanag sa Senado sa isyu ng umano’y censorship
PINAGPAPALIWANAG ni Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr. ang social media giant na Meta, ang mother company ng social networking platform na Facebook. Ayon kay Revilla na siyang chairman ng Senate committee on public information and mass media, nakakaalarma ang sunod-sunod na censorship ng social media firm. Matatandaang isa sa umalma sa […]
-
LRT 1 walang operasyon sa Dec. 3 – 4
SUSPENDIDO muna ang operasyon ng Light Rail Transit Line 1 simula sa Dec.3 hanggang Dec. 4 upang bigyang daan ang reintegration ng istasyon sa Roosevelt sa buong linya. Ang Light Rail Manila Corp. (LRMC) ang nagbigay ng anunsiyo ng suspensyon ng operasyon. “LRT 2 has to be closed for two days […]
-
3 nalambat sa buy bust sa Caloocan at Valenzuela
Kulong ang tatlong hinihinalang drug pushers matapos makuhanan ng halos P.2 milyon halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Caloocan at Valenzuela cities. Ayon kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) hinggil sa umano’y ilegal […]