• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Welcome kay PDu30, paglagda sa PH-Korea free trade pact

WELCOME kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang paglagda sa Philippines-Republic of Korea (ROK) free trade agreement, araw ng Martes, Oktubre 26.

 

Sa naging talumpati ng Pangulo sa 22nd ASEAN-ROK Summit, sinabi nito na ang trade pact ay “needed for our economies to recover and bounce back,” malinaw na tumutukoy ito sa mga epekto ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

 

Itinulak din ng Chief Executive ang full implementation ng ASEAN-Korea free trade agreement at maagang pagpasok sa puwersa ng Regional Comprehensive Economic Partnership Agreement.

 

Ang ASEAN-ROK Summit ay isa lamang sa mga pagpupulong sa nagpapatuloy na 38th at 39th ASEAN Summits and Related Summits, na ang tumayong host ay ang bansang Brunei.

 

Dumalo ang Pangulo sa high-level meetings virtually sa pamamagitan ng video conference.

 

Sa naging pahayag naman ng Pangulo sa 38th ASEAN Summit, binigyang diin nito ang “road to recovery” ng ASEAN mula sa COVID-19 ay matagal at mahirap habang ang rehiyon ay nananatiling hilong-talilong mula sa epekto ng pandemiya.

 

Giit ng Punong Ehekutibo, kailangang tiyakin ng ASEAN ang ” phased and comprehensive implementation” ng comprehensive recovery framework ng regional bloc.

 

Nanawagan din ang Pangulo para sa agarang pagtatatag ng ASEAN Centre on Public Health Emergencies and Emerging Diseases.

 

Ito ang huling ASEAN Summit na dadaluhan ji Pangulong Duterte bago siya bumaba sa puwesto sa Hunyo 30, 2022. (Daris Jose)

Other News
  • After na sorpresahin ang asawa sa ‘Eat Bulaga’: Super sweet na birthday message ni ARJO kay MAINE, kinakiligan ng netizens

    SUPER sweet ng birthday message ni Cong. Arjo Atayde sa kanyang asawa na si Maine Mendoza na nag-celebrate ng ika-29 na kaarawan last Sunday, March 3, 2024.   Sa kanyang Instagram, in-upload ni Arjo ang nakakikilig na photos nila ni Maine, kasama nga ang super sweet birthday message sa kanyang wifey.   Caption ni Arjo, […]

  • Pinay gymnasts pumitas ng 3 ginto sa Hungary

    Sa pagkakataong ito, Pinay gymnasts naman ang nagpasiklab sa international scene matapos humakot ng tatlong ginto at dalawang pilak na medalya sa 2020 Santa’s Cup na idinaos sa Budapest, Hungary.   Nanguna sa kampanya ng Pilipinas si Southeast Asian Games champion Daniela Reggie Dela Pisa matapos kumana ng dalawang gintong medalya.   Pinagreynahan ni Dela […]

  • ‘I apologize’: Spence injured ang mata, laban vs Pacquiao hindi muna tuloy

    Humingi ng tawad at dissappointed ang Amerikanong boksingero na makakaharap dapat ni Manny Pacquiao matapos hindi ituloy ang kanilang napipintong laban ngayong buwan dahil sa pinsalang tinamo sa mata.     Ang anunsyo ni Spence ay kanyang ibinahagi sa kanyang Instagram post ngayong Miyerkules (oras sa Pilipinas).     “I am very disappointed that I […]