• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Welga ng PISTON at MANIBELA tuloy

NATULOY kahapon, Lunes April 15 ang  welga ng grupo sa trans-portasyon na Piston at Manibela upang iprotesta ang nalalapit na deadline ngayon April 30 ng consolidation ng prangkisa ng mga public utility jeepneys (PUJs) sa ilalim ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) ng pamahalaan.

 

 

 

Ayon ay President Ferdinand Marcos, Jr. at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) chairman Teofilo Guadiz na hindi na papayagan na magkaroon pa nang muling extension ng deadline.

 

 

 

Ang consolidation ng prangkisa ay siyang magbibigay daan upang palitan ang mga traditional jeepneys ng mga modern mini buses.

 

 

 

“We cannot afford consolidation. We cannot afford these modern minibuses,” wika ni Manibela president Mar Valbuena.

 

 

 

Ang ibang grupo sa transportasyon ay tutol din sa pagpapatupad ng nasabing programa dahil sa presyo ng unit ay masyadong mahal at ganoon din ang madaming requirements sa pagtatayo at pagrerehistro ng isang kooperatiba at korporasyon.

 

 

 

Ayon sa grupo na ang mga pasahero ay sa mga traditional jeepneys pa rin sasakay kung papapiliin dahil ito ay kumbiniente at hindi mahal ang pamasahe. Paliwanag ng grupo na ang mga nanawagan na palitan na ang traditional jeepneys ay ‘yung mga taong hindi naman sumasakay sa pampublikong transportasyon.

 

 

 

“Those calling to modernize the traditional jeepneys that are well-made, run well and are locally made and who are complaining about jeepneys are not the ones who commute,” saad ni Valbuena.

 

 

 

Sinabi naman ng grupong Piston na dapat ang deadline ay palawigin pa dahil ang petisyon laban sa PUVMP ay pending pa rin sa Supreme Court (SC).

 

 

 

Ayon kay Piston deputy secretary-general Ruben Baylon na hindi pa natatapos ang mga serye ng hearings ng PUVMP sa Kamara at nakabinbin pa rin ang petisyon nila sa SC laban dito subalit minamadali na ng pamahalaan ang pang-aagaw ng hanapbuhay ng mga tsuper at maliliit na operator.

 

 

 

Samantala, sa isang pahayag naman ay tinatanong ni Senator Grace Poe, chair ng Senate Committee on Public Services na kung ano na ang ginawa ng pamahalaan sa nakalipas na tatlong (3) buwan habang ang deadline ay pinalawig pa hanggang April 30.

 

 

 

“Have there been fruitful dialogues between the LTFRB and transport groups? Were there substantial efforts to reach out to the drivers and operators to help get them into the program?” wika ni Poe.

 

 

 

Ayon sa kanya ay dapat maglabas ang LTFRB ng listahan ng mga ruta na seserbisyuhan ng jeepneys na may consolidated na prangkisa at yon mga ruta kung saan ang mga jeepneys ay walang operasyon.

 

 

 

“I am looking forward to a Supreme Court ruling on the petition filed by transport groups to enlighten concerned agencies on the path to take on the so-called modernization of our PUV fleets,” dagdag ni Poe.  LASACMAR

Other News
  • Tiangco brothers, pinangunahan ang groundbreaking ceremony ng NavotaAs Homes 5

    ISINAGAWA ang groundbreaking ceremony ng NavotaAs Homes 5-Tanza 1 Phase 2 housing project ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pangunguna nina Congressman Toby Tiangco at Mayor John Rey Tiangco, kasama sina NHA General Manager Joeben Tai, NHA NCR North Sector Regional Manager Engr. Jovita Panopio, at Department of Human Settlements and Urban Development USec. Ronald […]

  • Motorcycle rider, patay sa trailer truck

    PATAY ang isang rider nang bumangga ang minamanehong motorsiklo sa isang trailer truck sa Sampaloc, Manila Huwebes ng madaling araw.   Isinugod pa sa Ospital ng Sampaloc ang biktima na si Adelo Aton y Domingo, nasa wastong edad ng 65 Maria Clara St, 7th Ave, Caloocan City, Manila subalit hindi na ito umabot ng buhay […]

  • 3 puganteng SOKOR, inaresto ng BI

    INARESTO ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) ang tatlong South Koreans na wanted ng mga awtoridad sa Seoul dahil sa pag-operate ng illegal gambling site sa internet.   Ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado, ang mga dayuhan ay inaresto sa dalawang magkahiwalay na operasyon ng mga miembro ng bureau’s fugitive search unit […]