West Philippine Sea, ang ‘real flashpoint’, hindi ang Taiwan-Amb. Romualdez
- Published on March 2, 2024
- by @peoplesbalita
SINABI ni Philippine Ambassador to US Jose Manuel Romualdez na ang West Philippine Sea (WPS) ang “real flashpoint” para sa armed conflict sa Asya at hindi ang isyu ng Taiwan.
Sa pagsasalita ni Romualdez sa Consular Corps of the Philippines, nagpahiwatig ito na ang tensyon sa mga nakalipas na buwan sa pagitan ng Pilipinas at China ay mas nakaaalarma kaysa sa posibilidad na Asian power sa pagsalakay sa Taiwan.
“The real problem and the real flashpoint, which is why I’m telling you how critical it is for us. The real flashpoint is in the West Philippine Sea,” ayon kay Romualdez.
Ang West Philippine Sea ay ang opisyal na pagtatalaga ng pamahalaan ng Pilipinas sa mga silangang bahagi ng Dagat Timog Tsina na nakapaloob sa eksklusibong sonang ekonomiko ng Pilipinas. Malimit ding ginagamit ang katawagan kahit hindi angkop upang matukoy ang kabuoan ng pinagtatalunang dagat.
Winika ni Romualdez na ang umiigting na tensyon sa pagitan ng Tsina at Taiwan ay maituturing na “key concern” subalit ang pag-takeover ng China ay kalkuladong panganib.
Kinonsidera kasi ng Beijing ang Taiwan bilang isang ‘rogue province’ matapos na mahiwalay ito mula sa mainland noong 1949.
Ayon kay Romualdez, si Chinese President Xi Jinping “is not going to make a move unless he is absolutely sure that he can militarily take over Taiwan.”
“Deterrence is the only way to stop them from going into that kind of situation. So we’re hoping that every morning when President Xi wakes up he’s going to say, ‘Today’s not the day’,” aniya pa rin.
Makailang ulit nang nakaranas ng mapanganib na pagmamaniobra ang Philippine vessels para sa pagpa- patrol at resupply missions sa Philippine-claimed features sa resource-rich waters mula sa Chinese ships, kabilang na ang laser-pointing incident, nagresulta ng muntikang banggaan sa karagatan.
“The aggression that we are now facing is very real,” ayon kay Romualdez na hindi naman pinangalanan ang Tsina sabay sabing “Never in our lifetime even during World War II did we face such a challenge because this country will not let up on their claim in many of our territorial waters.
Ang mga hindi inaasahang sitwasyon sa katubigan ang dahilan naman kung bakit hindi makatulog sa gabi si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at iba pang opisyal ng bansa.
“All of these skirmishes that are happening there, there can be one major accident and either one of our countries the US or the Philippines can invoke the MDT and when we do, a commitment made by the US or the commitment we made will happen and then all hell breaks loose,” ayon kay Romualdez.
Samantala, ang Mutual Defense Treaty ay isang defense agreement na tinintahan noong 1951 sa pagitan ng Maynila at Washington. Kapuwa nangako ang dalawang magkaalyado na magtulungan sa oras na ang isa ay maging ‘subject’ ng armed attack sa rehiyon.
Sa gitna ng umiinit na situwasyon sa pagitan ng Pilipinas at Tsina, paghahain ng daan-daang diplomatic protests, demarches, at pagsa- summon sa mga envoys, sinabi ni Romualdez na “diplomacy is still the best option to pursue rather than engage in any conflict.”
“That’s what we are working hard on. We want to avoid having to find a situation where we will have to call each other saying we want to invoke the Mutual Defense Treaty, you have to defend us because the Chinese are already on our shores,” aniya pa rin.
“We hope it will never happen,” dagdag na wika nito. (Daris Jose)
-
Lolo na wanted sa statutory rape, timbog sa manhunt ops sa Valenzuela
HIMAS-REHAS ang 68-anyos na lolo na wanted sa tatlong bilang ng kasong statutory rape matapos matunton ng pulisya sa kanyang tinitirhan sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon. Ayon kay Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban, nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) hinggil sa kinaroroonan ng akusadong si […]
-
Gitna ng TNT, pinapapwersa kay Erram
TIBA-TIBA ang Talk ‘N Text sa offseason nang makalawit si John Paul ‘Poy’ Erram mula sister-team North Luzon Expressway. May dalawang ulit pang pinarebisa ng Philippine Basketball Association (PBA) trade committee ang mga dokumento bago naaprubahan ang three-team trade kasangkot ang Blackwater. Pumuwersa lalo ang KaTropa, nagkaroon ng lehitimong big man. Mas mapapakinabangan […]
-
Monthly contribution ng Pag-IBIG members, planong itaas simula Enero 2024
PLANONG itaas ng Pag-IBIG Fund ang monthly contribution ng mga miyembro nito, pati ng kanilang mga employers, simula sa Enero 2024. Ayon kay Pag-IBIG Fund CEO Marilene Acosta, itutuloy ng ahensya ang implementasyon ng pagtaas sa kontribusyon ng mga Pag-IBIG Fund members oras na sang-ayunan ito ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. […]