• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

WFH ituloy para tipid gasolina, gastos sa pamasahe

IGINIIT ni Sen. Sherwin Gatchalian sa mga ahensya ng gobyerno, pati ang mga pribadong kumpanya, na ipagpatuloy ang flexible work arrangement para makatipid sa gasolina at pamasahe at mapabuti ang lagay ng mga empleyado.

 

 

Ipinagmalaki ni Gatchalian na itinuloy ng kanyang opisina ang work-from-home arrangement upang makatipid sa gasolina, makaiwas sa masikip na trapiko, makatipid sa oras, at maiwasan ang hirap ng pag-commute araw-araw papasok sa trabaho.

 

 

Ang ganitong setup aniya ay mapapakinabangan din ng mga employer dahil makakatipid sila sa mga gastusin ng kumpanya.

 

 

Dumarami na rin aniya ngayon ang mga hindi bumibiyaheng pampublikong sasakyan dahil sa walang habas na pagtaas ng presyo ng langis.

 

 

Bago pa maglabas ng resolusyon ang Civil Service Commission (CSC) na nagpapahintulot sa flexible work arrangements sa mga ahensya ng gobyerno, sinabi ni Gatchalian na ipinatutupad na ito ng ilang pribadong kumpanya.

 

 

Para mapalawig pa ang flexible work arrangement, nais ni Gatchalian na maisabatas ang kanyang panukala na magbibigay ng tax incentives sa mga empleyado na naka-WFH o telecommuting program at income tax deduction sa mga employer. (Daris Jose)

Other News
  • PDu30, hindi pisikal na makakasama sa pangangampanya ng mga senatorial bets

    HINDI pisikal na makakasama si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa pangangampanya ng kanyang mga inendorsong kandidato sa pagka-senador para sa May 9 elections.     Ang katwiran ni acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles ay “there are no official entries set yet in his calendar.”     Sa kasalukuyan, ang Pangulo ay abala […]

  • Fans nila, maghihintay kung mapagbibigyan ang wish: SHARON at LORNA, gustong makapag-guest din sa ‘Batang Quiapo’ ni COCO

    MATAGAL na ring magkasama sa work, ang real-life sweethearts na sina Ruru Madrid at Bianca Umali.     Pero ngayon lamang sila magsisimulang magtrabaho as partners sa upcoming series na “The Write One,” kaya kung excited ang mga RuCa fans, excited din silang dalawa.     “Sanay kasi kaming dalawa, ‘yung  pahinga ng isa’t isa.  […]

  • Baron magaling ding mangingisda

    HINDI lang mahusay na volleyball player kaya naging star sa Philippine SuperLiga (PSL) si Mary Joy ‘Majoy’ Baron kundi sa pangingisda o panghuhuli rin ng isda.   Pinaskil sa Instagram kamakalawa ng F2 Logistics Cargo Movers middle blocker, na madalI lang para sa kanya ang pangingisda gamit ang isang ordinaryong fishing pole na ginawa buhat […]