• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘WHO nagpalit ng protocol; magdaragdag ng gamot sa Solidarity Trial’ – DOH

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na may madagdag na isa pang off-labeled drug sa isinasagawang Solidarity Trial ng World Health Organization (WHO) sa mga gamot na posibleng epektibo laban sa COVID-19.

 

“Binago rin yung protocol, may bagong gamot na madadagdag, but we will be informing all of you kapag na-finalize na yung protocol. Pero may arm ng isang gamot na idadagdag for that,” ani Health Usec. Maria Rosario Vergeire.

 

As of September 7, mayroon na raw 1,009 moderate at severe COVID-19 cases ang ginagamitan ng gamot na remdesivir at interferon sa 24 na study sites sa National Capital Region, Baguio, Batangas, Cebu at Davao.

 

Katunayan, may paparating pa raw na higit 1,000 na dagdag vials ng nasabing mga gamot sa bansa mula WHO.

 

“Mayroon na ring new shipment ng remdesivir ay parating at interferon, nasa proseso na sila. This will be the third shipment of remdesivir to our country where we are going to receive 1,000 vials from WHO.”

 

Kung maaalala, ipinahinto ng WHO ang paggamit sa hydroxychloroquine at lopinavir/ritonavir bilang treatment drug dahil sa nakitang hindi magandang epekto nito sa ilang ginamitan abroad.

 

Samantala, hinihintay pa raw ng DOH ang pirma nina Health Sec. Francisco Duque at UP Manila chancellor Carmencita Padilla sa clinical trial agreement ng isa pang gamot na Avigan. Pati na ang pirma ng Philippine Council for Health Research and Development sa pondo ng trial.

 

Nabisita na raw ng mga opisyal ang itinakdang sites ng trial. Nakapagbigay na rin ng tableta ang kagawaran at nakapagsagawa na ng dry run.

 

“Hopefully with all of this, na talagang for signatures na lang, sana we can start for the coming days.”

 

Kabilang sa trial sites ng Avigan ang Philippine General Hospital, Sta. Ana Hospital, Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital, at Quirino Memorial Medical Center.

Other News
  • QCINEMA INTERNATIONAL FILM FESTIVAL GOES HYBRID FOR 2020!

    DESPITE the COVID-19 pandemic, the love for cinema does not stop as the QCinema International Film Festival goes hybrid for 2020!   Running from November 27 to December 5, the festival will hold screenings in an outdoor venue and online, via the TVOD platform UPSTREAM.   According to festival director, Ed Lejano, they decided to […]

  • Nagpapasalamat sa production na binusisi ang mga detalye: BARBIE, nalula sa mga papuri sa performance sa bagong GMA teleserye

    PROUD daddy si Dennis Trillo sa anak nila ni Jennylyn Mercado na si Baby Dylan dahil natuto raw siyang maging isang hands-on parent.     Inamin ng bida ng GMA teleserye na ‘Maria Clara At Ibarra’ na hindi niya na-experience ang maging hands-on dad sa panganay niyang si Calix Andreas dahil sa ina nitong si Carlene Aguilar ito […]

  • Ads September 12, 2022