• September 27, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

WHO nagsagawa ng emergency meeting dahil sa mga bagong variants ng COVID-19

Nagsagawa ng emergency meeting ang World Health Organization (WHO) para talakayin ang banta nang mabilis na pagkalat ng mga bagong variants ng coronavirus.

 

Ito ay matapos na napilitang magpatupad ng panibagong mga restrictions ang iba’t ibang bansa na nakakaranas nang pagsirit ng COVID-19 cases bunsod nang mutation ng virus.

 

Kadalasan kada tatlong buwan kung magkita-kita ang miyembro ng komite, pero minabuti ng WHO na magpulong sa lalong madaling panahon para talakayin ang mutation ng virus, na sinasabing mas nakakahawa.

 

Sa kanyang talum pati, sinabi ni WHO director-general Tedros Adhanom Ghebreyesus, pag-uusapan nila ang mga lumutang na bagong variants ng coronavirus at ang banta nito, pati na rin ang potential use ng mga bakuna kontra rito at testing certificates para sa international travel.

 

Ito na ang ika-anim na pulong ng WHO International Health Regulations emergency committee patungkol sa COVID-19.

Other News
  • Drug war victims, walang nakikitang katarungan sa ilalim ng administrasyong Marcos – ICC

    DUDA ang pamilya ng drug war victims  na magkakaroon ng progreso ang kaso na may kinalaman sa kontrobersiyal na anti-drug campaign ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.     Dahil dito, nanawagan ang mga ito sa  International Criminal Court (ICC) na ituloy lamang ang imbestigasyon sa nasabing anti-drug campaign ng nakalipas na administrasyon.     […]

  • THE MOON, STARRING SUL KYUNG-GU AND EXO’S DOH KYUNG-SOO, OPENS IN PH CINEMAS AUG 16

    Mark your calendars!    The Moon, a gripping, emotional, epic-action, and one of Korea’s highly anticipated films of the year, will open across the Philippines on AUGUST 16. Watch the teaser trailer now.       YouTube Trailer Link: https://youtu.be/n3XFeKvn3yk       The film is directed by Kim Yong-hwa, one of the most prominent genre directors […]

  • IATF, NHA namahagi ng 672 housing units sa Capiz – Nograles

    Pinangunahan ni Cabinet Secretary Karlo Nograles kasama ang national and local officials ang 14th virtual turnover ceremony ng Yolanda housing units, sa pagkakataong ito ay sa bayan ng Ivisan, Capiz noong Nobyembre 17, 2020 sa ilalim ng pangangasiwa ng Yolanda Permanent Housing Project sa Rehiyon 6.   Si Nograles, ang namumuno sa Inter-Agency Task Force […]