• February 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

WHO official: ‘Hindi lockdown ang pangunahing responde sa COVID-19’

MISMONG special envoy ng World Health Organization (WHO) para sa COVID-19 ang nagsabi: hindi suportado ng organisasyon ang mga lockdown bilang hakbang sa pagkontrol ng coronavirus.

 

Sa isang panayam, sinabi ni Dr. David Nabarro na ang masyadong pag-depende ng mga bansa sa lockdown ay posibleng magbunga ng hindi magandang epekto sa global economy.

 

Ayon sa kanya, hindi pwedeng isantabi ang banta ng lockdown dahil mabigat na kapalit ang kakambal nito lalo na sa mga mahihirap.

 

“We in the World Health Organization do not advocate lockdowns as the primary means of control of this virus,” ani Nabarro.

 

“The only time we believe a lockdown is justified is to buy you time to reorganize, regroup, rebalance your resources, protect your health workers who are exhausted, but by and large, we’d rather not do it. Lockdowns just have one consequence that you must never ever belittle, and that is making poor people an awful lot poorer.”

 

Ang pahayag na ito ng WHO expert nagmitsa ng kabikabilang pag-kwestyon sa kredibilidad ng institusyon.

 

Pero agad namang dumepensa ang ilang kapwa opisyal, kabilang na ang country representative ng WHO sa Pilipinas na si Dr. Rabindra Abeyasinghe.

 

Ayon sa kanya, totoong hindi pwedeng makompromiso ang ekonomiya sa gitna ng health crisis.

 

Kaya naman naman malinaw din ang kanilang posisyo na hindi lang dapat lockdown ang ipatupad ng responde ng bawat pamahalaan.

 

“We don’t view large lockdowns as the primary response, it should be a public health response and when this fails, when the health system are being overwhelmed, it is necessary to use lockdowns as last resort. That’s what we have been advocating right from the beginning.”

 

Kung babalikan ang pahayag ni WHO director general Tedros Adhanom Ghebreyesus noong Abril, kanya ring sinabi na bukod sa lockdown, mahalaga ring hakbang laban sa COVID-19 ang contact tracing.

 

“We know that early case finding, testing, isolating, caring for every case and tracing every contact is essential for stopping transmission.”

 

“As I have said many times, physically distancing restric- tions are only part of the equation, and there are many other basic public health measures that need to be put in place.”

 

Ang Pilipinas, binansagan nang may “world’s longest lockdown.” March 16 nang isailalim ni Pangulong Rodrigo Duterte sa enhanced community quarantine ang Metro Manila at ilang lugar, at hanggang ngayon ay nasa ilalim pa rin ng iba’t ibang antas ng community quarantine ang buong bansa.

 

Ayon sa Department of Health, nakahanay naman sa rekomendasyon ng WHO ang stratehiya ng bansa laban sa sakit.

 

“The recommendation of the WHO is consistent with DOH promoting the Prevent-Detect-Isolate-Treatment-Reintegration (PDITR) or gatekeeping indicators (surveillance, contact tracing, etc.) that quarantine alone is not sufficient.”

 

Batid din nila na hindi lang lockdown ang sagot kontra sa COVID-19, at kailangang masiguro na naipapatupad ng tama ang mga panuntunan alinsunod sa mga itinakdang batayan ng mga eksperto at pamahalaan.

Other News
  • LTO chief inutusan ang mga licensing centers tapusin mga backlog ng mga driver’s license

    Inutusan ni Land Transportation Office chief Jay Art Tugade ang mga licensing centers sa buong bansa na tapusin ang backlog sa pagbibigay ng driver’s license sa katapusan ng buwan sa darating na taon.       Naglabas din ang LTO ng memorandum na nagsasaad ng guidelines para sa printing at issuance ng drivers’ licenses upang […]

  • PAGLALAGAY NG GREEN LANE PARA SA MAG BAKUNADONG DAYUHAN, IPINANUKALA

    SUPORTADO ng Bureau of Immigration (BI) ang panukala na payagan ang mga fully vaccinated na mga dayuhan na pumasok sa bansa upang muling pasiglahin ang industriya ng turismo at buksan ang hangganan ng bansa.     Sinabi ni  BI Commissioner Jame Morente na sinusuportahan nila ang paglalagay ng green lane para sa mga dayuhan na […]

  • Delta variant ‘dominanteng’ uri na ng hawaan ng COVID-19 sa Pilipinas — WHO

    Karamihan na sa mga nagkakahawaan ng COVID-19 sa Pilipinas ay dahil sa mas nakahahawang Delta variant, pagkukumpirma ng kinatawan ng World Health Organization sa Pilipinas kahapon, Martes.     Bagama’t mas nakahahawa na sa karaniwan ang Alpha at Beta variants ng COVID-19, 60% na “mas transmissible” dito ang Delta variant, ayon sa pahayag ng Department of Health at Vaccine […]