WHO, suportado ang third Covid-19 dose
- Published on October 19, 2021
- by @peoplesbalita
INIREKOMENDA ng World Health Organization (WHO), araw ng Huwebes ang pagbabakuna ng third dose ng COVID-19 vaccine para sa mg taong may immunocompromised condition o hindi kayang makapag- develop ng full immunity matapos ang dalawang doses.
“We are now in a position to say that for people with immunocompromised conditions who have been unable to develop full immunity, WHO is supporting a third dose as an extended primary course,” ayon kay WHO Representative to the Philippines Dr. Rabindra Abeyasinghe sa virtual press briefing ni Presidential spokesperson Harry Roque.
“Even if they are less than 60 years old, we will advocate for the third dose,” dagdag na pahayag nito.
Paglilinaw ni Abeyasinghe, ang third dose ay iba mula sa boosters para sa general population.
Sinabi pa niya na inirekomenda ng WHO ang third dose para sa mga taong kabilang sa A2 population, o elderly population, na nakatanggap ng primary vaccination course gamit ang Sinovac o Sinopharm na makatanggap ng third dose ng kahalintulad na vaccine brand “to potentiate its immunogenicity.”
“Our recommendation now is that in addition to immunocompromised individuals, that we include all individuals who have received primary vaccination course of two doses with Sinovac or Sinopharm to receive a third dose, provided it’s more than three months since the completion of the first two doses,” paglilinaw pa rin ni Abeyasinghe.
“We don’t have a recommendation for general population,” dagdag na pahayag ni Abeyasinghe. (Daris Jose)
-
Sahod ng kasambahay sa NCR, abot na sa P6K/buwan
AABOT na sa P6,000 ang buwanang sahod ng mga kasambahay sa Metro Manila makaraang aprubahan ng National Capital Region Tripartite Wages and Productivity Board (NCR-TWPB) ang P1,000 dagdag-sahod sa kanila. Mabebenipisyuhan nito ang nasa 200,000 kasambahay na nagtatrabaho sa rehiyon. Sa kabila nito, naniniwala si outgoing Labor Secretary Silvestro Bello III […]
-
World number 1 tennis star Ashleigh Barty magreretiro na
INANUNSIYO ni tennis world number 1 Ashleigh Barty ang kaniyang pagreretiro. Sa kanyang social media ay isinagawa ng 25-anyos Australian tennis star ang kaniyang pagreretiro. Sinabi nito na naibigay na niya ang lahat ng kaniyang makakaya sa paglalaro. Masaya aniya ito sa kanyang desisyon at handang tanggapin ang anumang […]
-
Ads January 13, 2022