• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Willie, ibinalita na tutuparin ang mga Christmas wish

NAG-POST sa kanilang social media accounts ang Concha’s Garden Cafe, Quezon City ni Alden Richards, last Sunday evening, November29, ng pasasalamat sa kanilang mga customers na tinangkilik ang dine-in restaurants nila ng ilang taon.

 

“Thank you for enjoying our food until December 31, 2020.” (Till we eat again Q.C)

 

Most affected ng pandemic ang mga dine-in restaurants dahil sa mga requirements ng IATF, kaya tama lamang na mag- desisyon si Alden na isara na muna ang branch niya sa Quezon City.

 

Pero open pa rin ang Concha’s Garden Cafe Cliffhouse Tagaytay, Concha’s Garde Cafe, Silang, Cavite, sa Tagaytay Highlands, at sa Midlands Golfers Lounge in Tagaytay.

 

*****

 

MAGIGING Santa Claus si Wowowin host Willie Revillame this Chritstmas.

 

Ibinalita na ito ni Willie sa kanyang programa na tutuparin niya ang mga Christmas wish ng sinumang matatawagan niya sa telepono sa “Tutok To Win,” upang maipadama raw niya sa ating kababayan ang diwa ng Pasko.

 

“Magkakaroon tayo dito ng portion, ‘yung ‘Christmas Wish,’ dahil paparating na ang Pasko,” pahayag ni Wllie.

 

“Tatanungin ko ang makakausap ko kung ano ang wishes niya, baka kaya nating ibigay, di ba? Titingnan ho natin, basta sa abot-kaya po ng programang ito. Iyong mga wishes ninyo sa Pasko, ipagkakaloob namin basta kaya po namin. Iyong hindi po naman sobra tama lang. Basta gagawa tayo ng paraan.”

 

Kaya naman, huwag nang magpahuli at tumutok kayo lagi sa Wowowin, weekdays, sa GMA- 7, at 5:00 – 6:30 PM at sa verified social media accounts ng programa, bago ang “24 Oras.”

 

*****

 

PAYAG pala si Senator Manny Pacquiao na ituloy ng dalawang anak na lalaki nila ni Jinkee, na sina Jimuel at Michael, ang showbiz career nila kaya supportive naman silang mag-asawa sa kanila.

 

Pero hindi papayagan ng Pambansang Kamao na pasukin nila ang boxing. Oo raw at pinayagan niya si Jimuel na sumali sa amateur boxing competition, para raw ma- experience nito ang mahirap na training at ma-realize na boxing is a tough sport. “It’s a dangerous sport that can get you killed. It can happen and can’t be totally avoided. Ayaw kong maranasan nila iyon.”

 

Into acting ang gusto ni Jimuel (19) at sa ngayon ay nagwu-workshop siya, si Michael (18) naman is an aspiring rapper at nakapaglabas na ng kanyang first album. Pero ang dalawa ay hindi makaiwas sa bashing ng mga netizens, kaya advice ni Sen. Manny sa kanila, “you can’t please everybody, just be humble and helpful, be responsible, sa sarili ninyo, sa family at sa inyong mga studies.” (NORA V. CALDERON)

Other News
  • Ads August 25, 2021

  • Unlocking Healthier Future: Renal Denervation Makes Waves as New Hypertension Treatment

    Are you struggling to keep your blood pressure in check despite medications and lifestyle changes? Turning off some kidney nerves might just be for you.       At a recent medical consensus forum titled ‘Renal Denervation: A Blood Pressure Procedure,’ top hypertension specialists and interventionalists spotlight a new and promising approach for managing difficult-to-treat […]

  • Pinas, may kakayahang magbayad ng utang

    MAY KAKAYAHAN at walang problema ang Pilipinas para bayaran ang utang nito na umabot na sa P11.07-trilyong piso.   Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, malaki lamang tingnan ang pigura ng utang ng bansa subalit kung tutuusin ay nasa “mid-range” ito kumpara sa ibang lower-middle-income countries.   Sa huling data ng Bureau of the Treasury, […]