• September 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Willie, ibinalita na tutuparin ang mga Christmas wish

NAG-POST sa kanilang social media accounts ang Concha’s Garden Cafe, Quezon City ni Alden Richards, last Sunday evening, November29, ng pasasalamat sa kanilang mga customers na tinangkilik ang dine-in restaurants nila ng ilang taon.

 

“Thank you for enjoying our food until December 31, 2020.” (Till we eat again Q.C)

 

Most affected ng pandemic ang mga dine-in restaurants dahil sa mga requirements ng IATF, kaya tama lamang na mag- desisyon si Alden na isara na muna ang branch niya sa Quezon City.

 

Pero open pa rin ang Concha’s Garden Cafe Cliffhouse Tagaytay, Concha’s Garde Cafe, Silang, Cavite, sa Tagaytay Highlands, at sa Midlands Golfers Lounge in Tagaytay.

 

*****

 

MAGIGING Santa Claus si Wowowin host Willie Revillame this Chritstmas.

 

Ibinalita na ito ni Willie sa kanyang programa na tutuparin niya ang mga Christmas wish ng sinumang matatawagan niya sa telepono sa “Tutok To Win,” upang maipadama raw niya sa ating kababayan ang diwa ng Pasko.

 

“Magkakaroon tayo dito ng portion, ‘yung ‘Christmas Wish,’ dahil paparating na ang Pasko,” pahayag ni Wllie.

 

“Tatanungin ko ang makakausap ko kung ano ang wishes niya, baka kaya nating ibigay, di ba? Titingnan ho natin, basta sa abot-kaya po ng programang ito. Iyong mga wishes ninyo sa Pasko, ipagkakaloob namin basta kaya po namin. Iyong hindi po naman sobra tama lang. Basta gagawa tayo ng paraan.”

 

Kaya naman, huwag nang magpahuli at tumutok kayo lagi sa Wowowin, weekdays, sa GMA- 7, at 5:00 – 6:30 PM at sa verified social media accounts ng programa, bago ang “24 Oras.”

 

*****

 

PAYAG pala si Senator Manny Pacquiao na ituloy ng dalawang anak na lalaki nila ni Jinkee, na sina Jimuel at Michael, ang showbiz career nila kaya supportive naman silang mag-asawa sa kanila.

 

Pero hindi papayagan ng Pambansang Kamao na pasukin nila ang boxing. Oo raw at pinayagan niya si Jimuel na sumali sa amateur boxing competition, para raw ma- experience nito ang mahirap na training at ma-realize na boxing is a tough sport. “It’s a dangerous sport that can get you killed. It can happen and can’t be totally avoided. Ayaw kong maranasan nila iyon.”

 

Into acting ang gusto ni Jimuel (19) at sa ngayon ay nagwu-workshop siya, si Michael (18) naman is an aspiring rapper at nakapaglabas na ng kanyang first album. Pero ang dalawa ay hindi makaiwas sa bashing ng mga netizens, kaya advice ni Sen. Manny sa kanila, “you can’t please everybody, just be humble and helpful, be responsible, sa sarili ninyo, sa family at sa inyong mga studies.” (NORA V. CALDERON)

Other News
  • President Duterte unveiled new train sets ng MRT 7

    Pinanguhan ni President Rodrigo Durterte noong nakaraang Huwebes ang unveiling ng mga bagong train sets para sa operasyon ng Metro Rail Transit Line 7 (MRT 7) na magbubukas sa huling quarter ng 2022.     Ang bagong MRT 7 ay isang world-class na transportasyon at inaasahang makakatulong upang maging mas productive ang mga mangangawa at […]

  • City bus humihingi ng fare hike

    MAY grupo ng mga city bus companies ang naghain ng kanilang petisyon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) upang humingi ng fare hike dahil sa tumataas ng presyo ng produktong petrolyo.       Ang Mega Manila Consortium na naghain ng petisyon sa LTFRB ay humihingi ng provisional na P7 na taas ng […]

  • Suplay ng COVID-19 vaccine, hindi malayong kapusin sa first at second quarter ng taon –Galvez

    HINDI malayong kapusin ang Pilipinas sa suplay ng COVID-19 vaccine sa first at second quarter ng taon dahil karamihan sa western vaccines ay ginagamit ng Europa at and the United States.   Gayunman, kumpiyansa si Vaccine czar Secretary Carlito Galvez, Jr. na ang Pilipinas ay may sapat na suplay ng bakuna para ngayong taon para […]