Willie Revillame, mamimigay ng P5-M sa mga jeepney drivers
- Published on August 17, 2020
- by @peoplesbalita
Ngayong linggo na umano matatanggap ng mga jeepney drivers ang tulong pinansyal na ipinangako ni Willie Revillame sa gitna ng Coronavirus Disease (COVID-19) pandemic sa bansa.
Ayon sa 59-year-old TV host/actor, personal niyang ipapamahagi ang P5 million cash na paghahati-hatian ng mga tsuper ng jeepney.
Katunayan ay nagkausap na aniya ang mga abogado ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at ang kanyang legal advisers para maisapinal kung saan kukunin ang cash aid na mula mismo sa kanyang ipon.
“Ako ho mismo ang magbibigay nung cash niyo at para sa grupo niyo,” saad nito.
Una nang nilinaw ni Revillame na bukal sa kalooban at hindi lang “pagbubuhat ng sariling bangko” ang kanyang naging hakbang.
Kung maaalala, naglaan din si Willie ng P100,000 bawa isa para sa naulilang pamilya ng apat na Pinoy workers na biktima ng pagsabog sa Lebanon na kumitil ng maraming buhay nitong August 4. (Ara Romero)
-
Eumir Marcial emosyonal sa pagkatalo laban sa mas batang Uzbek boxer
NABIGO si Pinoy boxer Eumir Marcial sa men’s 80 kgs. sa nagpapatuloy na Paris Olympics. Nakuha ng nakalaban nitong si Turabek Khabibullaev mula sa Uzbekistan ang unamous decision. Sa unang round pa lamang ay ginamit ng Uzbekistan boxer ang kaniyang tangkad at haba ng kamay para makuha ang score mula sa limang judges. Pinilit ng […]
-
RAIN WATER COLLECTION SYSTEM ILALAPAT NA SA BUONG QC
INATASAN ni Quezon City Mayor Joy Belmonte si City Engineer Atty. Dave Perral na mag-install at magpagana ng mga rain water collection system sa lahat ng gusaling pag-aari ng lungsod at maging sa mga pampublikong paaralan sa syudad. Ito ay bilang bahagi ng mga inisyatiba ng Quezon City LGU para tugunan ang mga […]
-
Ilang kawani ng isang pribadong ospital at security guards kinasuhan ng Valenzuela LGU
SINAMPAHAN ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ang ilang kawani ng isang pribadong ospital, kabilang ang staff ng credit and collection at security guards ng magkahiwalay na mga kasong serious illegal detention at slight illegal detention sa City Prosecutor’s Office. Personal na sinamahan ni Mayor WES Gatchalian, kasama ang libreng serbisyo ng legal team […]